CHAPTER THIRTY-TWO

4.5K 119 18
                                    

ANGELA'S POV:

Napaupo muna ako sa isang mini sofa sa second deck nitong barko habang si Mika naman ay kausap ang kapitan ng barko. Tinali ko muna ang aking buhok dahil nagiging buhaghag na ito dahil sa hangin.

Alas tres na ngayon at nakakain na kami ni Mika ng tanghalian kanina, nagdrive-thru lang kami at napahinto saglit sa gilid ng kalsada habang kami'y kumakain.

Hindi pa kami nagkikibuan no'n syempre dahil sobrang awkward pa, hanggang ngayon pa naman.

Nilingon ko ulit ang kinaroroonan nina Mika, patuloy pa rin itong nakikipag-usap ng kung ano sa kapitan at nakatingin sa labas ng bintana nila.

Agad kong nilihis ang aking paningin nang papatingin sana ito sa aking direksyon.

Naalala ko, may sinabi pala itong kung ano kanina tungkol sa gamot ko.

Napag-isipan ko rin naman na tama rin naman siya, sobrang tanga ko na all these years ay ngayon ko lamang ito napagtanto.

Wala na rin naman kasi sa akin ang mga alaalang iyon dahil napapalitan na ito ng mga alaala ko ngayon pero mali ako, hindi ko dapat sinusukuan ang mga alaalang sobrang importante sa akin lalo na't nasa mga alaala ko noon ang mga pangyayari kasama ang aking kambal at si mama na ngayo'y wala na.

Napabalik ako sa aking ulirat nang tumunog ang messenger ng aking cellphone, nakita kong tumawag si Bea kaya agad koi tong sinagot at pinindot ang video para makita pareho ang aming mukha.

"Hello, Gel!" malakas nitong bati sa akin, nakita ko naman na nagsilapit ang aking mga kaibigan pagkasabi ko noon. Nanliit ang aking mga mata nang makitang hindi sila kompleto.

"Nasaan si Kylie?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ka pala sinabihan, Gel?" agad akong napailing nang tanungin iyon sa akin ni Kylie.

"Pinatawag daw siya ng nanay niya, may pupuntahan din yata sila." Dagdag niya na nakapagpakunot pa ng aking noo.

"Saan daw?" tanong ko ulit.

Bakit hindi man lang ako sinabihan nito? Kahit isang text o chat man lang ay hindi nagawa, hindi naman sa pagiging mahigpit at demanding ako sa kanila pero syempre nag-aalala rin ako sa kanila.

Hindi kasi ako napapanatag 'pag hindi ko man lang alam ang lokasyon nila lalo na kung hindi ito nagpapaalam sa amin, first time rin ito na hindi ako sinabihan ni Kylie kaya nakapagtataka lang.

"Hindi rin namin alam Gel, eh. Ang sabi'y emergency raw sa bahay ta's nagmamadali na rin siya kaya hindi na naming pinigilan pa. Hanggang ngayon wala rin kaming nakukuhang kahit anong message sa kanya. Ikaw ba may natanggap ka sa kanya?" tanong ni Tiffany na siyang tinitigan ko agad ng masama.

"Magtatanong ba ako kung nagmessage siya?" pilosopa kong sabi na nakapagpeace sign sa kanya.

Naiiling ko na lamang na ni-minimize ang video call na iyon at tinungo ang aking messages at nagtype para kay Kylie, tinanong ko kung nasaan siya ngayon.

"Nagmessage ako pero wala pa namang reply," wika ko at naimaximize ulit ang kanilang mga mukha.

"Kanina pa kami nagtext Gel pero hanggang ngayon wala pa rin kaming natatanggap na reply." Wika ni Bea at nakita kong parang naglalakad sila at ngayo'y napaupo naman sa sofa nila.

"Anong oras ba siya umalis dyan, Bea? Sobrang tagal na pala kung gano'n?" sunod-sunod kong tanong at napatingin sa gilid ko nang umupo si Mika.

Tinaasan ako nito ng isang kilay nang makitang nakatitig ako sa kanya, agad kong binawi ang aking tingin at binalik sa screen.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon