CHAPTER TWENTY-SEVEN

5K 135 3
                                    

ANGELA'S POV:

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko, sunod-sunod kasi ang texts na natanggap ko. Pagkakita ko kung sino ang sender ay nakita kong si Dad pala.

From: Dad

Good morning anak and Happy Birthday!

From: Dad

Have a blast with your friends!

From: Dad

Pasensya na kung wala ako ngayon para sa birthday mo, see you soon anak.

Napabangon ako ng wala sa oras at kinukusot-kusot ang matang tinignan ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng pintuan ko.

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko kung anong araw ngayon, ika-29 na pala ng Setyembre at ngayo'y kaarawan ko!

Agad kong tinungo ang banyo at dali-daling nagligo, nagbihis na rin ako at inayos na ang sarili ko.

Pagkatapos kong maihanda ang sarili ko ay napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin at pilit na napangiti.

Ika-labing apat na taon na wala ka, na wala ka ulit sa kaarawan ko. Nasaan ka na kasi Kuya Craine?

Sinusuklay-suklay ko pa ang buhok ko habang tinatanong iyon sa sarili ko, napabuntong hininga na lamang ako at nilapag ang suklay sa mesa nitong katapat kong salamin at kinuha ang cellphone.

Nakita ko agad ang mga nagsibatian kong kaklase noon na hindi ko na makilala ng lubusan ngayon, nakita ko ring nagpost yung iilan sa magulang ng mga kaibigan ko sa aking timeline kaya agad akong nagreply sa mga ito at nagpasalamat.

Pinindot ko ang messenger pati ang messages ko at napakamot ako sa aking ulo, wala akong kahit anong natanggap mula sa aking mga kaibigan.

Nakakapagtaka lang dahil nakasanayan ko na sila ang nauuna sa pagbati sa akin.

Alas otso na at alam kong gising na ang mga kaibigan ko at ang ikinataka ko lang kung bakit kahit text o chat ay wala akong natanggap mula sa kanila.

Dali-dali akong bumaba at kinuha ang susi ng sasakyan ko sa sabitan nito sa may hagdanan.

Pumunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko at ilang pindot ng doorbell ang ginawa ko'y walang sumasagot at lumalabas kahit isa man lang sa kanila, tinawagan ko rin sila sa cellphone pero unattended naman daw.

Nagtext na lamang ako sa kanila na mauuna na ako sa school dahil mag-aalas otso imedya na, hindi ko na rin hinintay pa ang kanilang reply at dumiretso na sa aking sasakyan at pinaharurot ito.

Nababadtrip ako sa mismong birthday ko! Kahit reply 'di man lang nila mabigay sa akin?

Imposible namang naubusan sila ng load kasi kahit kailan hindi mauubusan ang mga iyon.

Pagkarating ko sa school at sa parking lot ay napakamot ako sa aking ulo dahil 'di ko mahagilap sa kasulok-sulukan ng parking lot ang sasakyan ng aking mga kaibigan.

Ipinagpaliban ko na lamang ang aking naiisip at naglakad na mag-isa papunta sa aming room.

May iilang guro na nakakilala sa akin ang bumabati sa akin kaya pinagpasalamatan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Chine-check ko rin ang aking cellphone sakaling may dumating man na message o ano pero nakarating na lamang ako sa room naming ay wala pa rin.

Nang makapasok ako ay naagaw ng aking atensyon ang sigaw ni Lance at ng iba ko pang kaklase.

"Happy Birthday, Angela!" bati nila na ikinangiti ko. Tinatango-tanguan ko sila at pinagpasalamatan.

Lumapit bigla si Lance sa akin at may inabot na isang paper bag, "Happy Birthday! Gurang ka na!"

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now