CHAPTER THREE

11.3K 313 17
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Nagtaka ang lahat pati ang X Lethal kung bakit nagulat at napasinghap ang dalawang tagapagbantay sa mga kababaihang dumating.

Napapaisip ang lahat kung anong espesyal sa limang babae na naging ganoon na lamang ang reaksiyon ng dalawang tagapagbantay sa kanila, pero napahinto ang kani-kanilang mga katanungan sa kanilang isip nang marinig ang pagbubukas ng malaking pintuan ng Arena.

Alas singko na at ang pagbubukas ng malaking pintuan sa Arena ay hudyat ng pagsisimula ng gagawing Underground Battle, nagsipasok ang higit limang daang tao kasali na sina Angela. Nakita pa nila ang panunutok ng tingin ng ibang gang sa kanila habang sila'y papasok.

Siguradong iilang gangs na lang ang nakakakilala sa kanila lalo na't karamihan sa mga grupo na kasali ngayon ay bago pa lamang. Yung mga gangs na nakasalamuha nila noon ay nakasali na sa iba't-ibang Mafia Org habang yung iba naman ay huminto.

Kaya kampanteng napaupo sa mga upuang naka-assign sa kanila ang lima. Ipapakilala isa-isa ang mga gangs mamaya.

"Kung ang pangalan ng gang ay itinawag, dapat ang mga miyembro ay tatayo. Ganyan ang gagawin ninyong lahat." Aniya ng emcee sa labanan.

Isang sigaw ng pagsang-ayon lamang ang nakuha ng emcee mula sa mga gangsters na nakapalibot sa kanila. Ang hindi lamang alam ng lahat ay may dalawang taong nagmamasid sa kaganapang nagaganap mula sa isang kuwarto na nasa itaas.

Kitang-kita sa kuwartong iyon ang mga nagaganap lalo na't may malaking glass wall na nakapalibot dito. "Balita ko nagbalik na ang limang babae?" tanong ng isang lalakeng nasa kaedaran na na nakadiretsong tingin pa rin sa ibaba.

"Opo, master. Sabi- sabi nga ng dalawang tagapagbantay sa labas na wala pa ring nagbago sa lima, sila pa rin ang limang babaeng nakilala natin noon." Sagot ng isang lalake na katabing nakaupo sa kanyang master.

"Sigurado ba kayong sila talaga iyon?" paniniguradong tanong ng kanyang master.

"Oo master, kilalang-kilala pa ng dalawang tagapagbantay ang boses ng lider nila." Napatango na lamang ang kanyang master sa kanyang sinabi kaya itinutok na lang din niya ang kanyang pansin sa nangyayari sa ibaba.

Nakaupo lang ng prente ang lima habang nakikinig sa mechanics na sinasabi ng emcee para sa gagawing battle. "It's okay to use your knives 'pag hindi niyo na talaga kaya but ang hindi puwedeng gamitin dito ay baril." Page-explain ng emcee.

"Sasabihin namin mamaya ang mga maglalaban pero sa ngayon ay ipapakilala muna natin ng panandalian ang bawat isang gang na nandito. Let's start with the Bloody Gang!"

Pagkatawag na pagkatawag ng unang pangalan noong gang ay kaagad nagsitayuan ang anim na myembro saka kumaway sa lahat, tatlong lalake at babae.

Nagpatuloy lang ang pagpapakilala ng mga gang at sina Angela ay walang pake na winiwili ang sarili nila sa kakacellphone at paglaro ng sandata nila. Maya-maya'y may biglang nagsidatingang limang lalake sa pwesto nila at tumabi kay Tiffany.

Sumiksik ang isang lalake kay Tiffany saka siya inakbayan, "Ba't kailangan niyo pang itago ang magagandang mukha niyo? Nahihiya ba kayo o sadyang pa- misteryoso lang?" natatawang tanong nung umakbay ni Tiffany.

Kinuha naman ni Tiffany ang nakaakbay na kamay ng lalake saka pinilipit ito.

"Anong karapatan niyong lapitan kami? You're invading us and our privacy, you know?" mataray na wika ni Tiffany saka napaupo ulit sa upuan.

Nagpigil sa kanyang tawa si Kylie dahil sa ginawa ni Tiffany at sa naiinis na ekspresyon nito. Mas lalong nainis si Tiffany dahil patuloy na umupo sa tabi niya ang limang lalake.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now