CHAPTER TWENTY

5.5K 167 15
                                    

ANGELA'S POV:

Today is the day! Nasa labas kami ng campus ngayon since pwede naman because Intramurals at isa pa'y lunch time kaya pwede lang.

Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon na parehong tinatahak ang daanan papuntang McDonalds since ito lang ang pinakalapit na fast food chain sa school namin.

Kinakabahan na ako lalo na't mamayang alas singko na raw ang start noong pageant namin, inagahan since baka raw matatagalan kami sa pagtapos kasi marami kaming contestants at may production number pa kasi isiniksik pa nila ang hiphop competition by grade level.

Kasabay ko ngayon sa paglalakad si Kylie sa may gilid ng daan na tinatahak namin since nasa Gaisano pa kami at malapit na kami since isang tawiran na lamang ay makakarating na kami.

Napatingin ako kay Kylie nang bigla itong umakbay sa akin pero tumingkayad ito ng kaonti kasi matangkad ako ng kaonti rito.

"Kumusta puso?" tanong nito pero hindi ko na siya nilingon pa ulit at syempre nasa daan yung tingin ko baka kasi makaapak pa ng tae, malagkit 'yon yucks!

"Heto sobrang bilis ng tibok..." huminto pa ako at nagtaka nang huminto sila sa paglalakad at tinignan ako saka sila napangisi.

I rolled my eyes and continued kung ano talaga ang sasabihin ko. "... kasi kinakabahan ako, mga sira!"

Nagtawanan naman sila at nagpatuloy na sa paglalakad. "Kalma lang, 'te!" sigaw ni Tiffany na nasa pinakaunahan namin since wala itong ka-pares sa paglalakad. So sad, diba?

Nang makarating na kami ng tuluyan sa McDo ay naghanap muna kami ng mauupuan at nagrepresinta sina Nicole ang oorder at dito na raw muna ako at basahin ang mga questions na tatanungin daw mamaya.

"Saan mo 'yan nakuha, Gel? Pwede ba 'yan?" tanong ni Tiffany na nasa harapan ko, hindi ito sumama kasi gusto niya raw akong samahan dito. Ang sweet, diba?

"James gave it to me and said na huwag daw ipakita sa ibang section at grade ito, hiningi niya raw ito sa English Professor natin na bakla." Natawa naman si Tiffany dahil sa sinagot ko.

"Ang lakas talaga ng grupong iyon sa mga bakla! Hahaha! Pero infairness 'te ha ang swerte-swerte mo kay James, alam niyang mali yung ginawa niya pero ginawa niya pa rin to ease your nervousness." conyong pagkakasabi nito at kinindatan ako.

Napapailing na lamang ako sa kanya at tinutok ulit ang pansin ko sa hawak-hawak kong papel.

Babasahin ko lang naman at sasagutan konti pero hindi ko imememorize, familiarize lang ganoon sa isasagot ko since mamaya na nga magaganap iyong pageant.

Iintindihin ko lang ang tanong at itatatak na sa utak ko yung gusto kong maging sagot noon since marami ang tanong na nasa papel na binigay ni James, printed kasi ito at back to back.

NANG matapos kami sa pagkain ay bumalik na kami agad sa school kasi nagtext si Ms. Cordova sa akin na nag-aantay na raw ang handlers namin sa backstage kasi hinanda na nito agad ang mga make-up namin at mga damit.

Natanaw ko ang nakaabang na si James at ang mga kaibigan nito na nakasandal sa gate at kausap yung guard. Napatayo ang mga ito ng maayos nang makita kaming papalapit.

Lumapit kaagad si James sa akin at kinaladkad ako, napapalingon ako sa mga kaibigan ko habang nagpadala kay James at nakita ang mga ito na tumatango-tango lang at kinakaway-kawayan pa ako.

"Hey, saan mo ako dadalhin?" imbes na sumagot ay patuloy pa rin ito sa ginagawang pangangaladkad sa akin kung saan, may tumawag na mga guro yata iyon na kaibigan ni Ms. Cordova sa akin pero hindi ko na ito napansin dahil kay James.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now