CHAPTER FIFTEEN

5.7K 174 1
                                    

ANGELA'S POV:

Naging maayos ang lahat ng nangyari kahapon, pagktapos naming kumain ay hinatid ako ng mga kaibigan ko at nina James sa clinic pero pagkatapos no'n ay nagtaka ako kung bakit hindi na sila bumalik sa klase at sabi'y sasamahan daw nila ako kaya hindi na rin ako natulog at nakinig at nakisali sa mga kwentuhan nila.

Mostly na nag-oopen up ay ang mga kaibigan ni James kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit biglaan na lamang nagkasundo ang aking mga kaibigan sa kaibigan ni James na sa pagkakaalam ko'y hindi naman kami close, pero hinayaan ko na lamang dahil who doesn't even want to have friends right?

Nasa sasakyan na kami ngayong lima at papunta na sa aming paaralan, nasa shotgun seat ako ngayon at tinignan ang sariling repleksyon sa mini mirror na nandito sa loob ng sasakyan namin.

I'm a little bit nervous since I'll be going to school without wearing eyeglasses but to be clear, kaming lima ay hindi na nagpakamanang at tinanggal na namin ang aming mga eyeglasses but since yung sa akin ay kinuha na ni James ay umuwi rin ako kahapon na hindi na nag glasses.

"Gel, yung handler mo makakarating daw maya-maya bandang alas nuwebe yata." Pagpapaalam ni Kylie na nasa likod katabi si Bea at Tiffany dahil ang driver namin ngayon ay si Nicole.

Napagalaw naman ako sa aking pwesto at nilingon siya, "Yung handler ko ba at yung handler ni James ay magkakilala lang?" tumango naman ito at pinakita sa akin ang text ng baklang handler ko para sa practice ng walk at ito na rin ang magiging make-up artist namin.

"Kinakabahan ako mga 'te." Biglaang sabat ni Tiffany na nakapagpatingin naming lahat sa kanya dahil sakto at stop light pa.

"Bakit naman?" tanong ko rito.

"Eh kasi makikita na nila ang kagandahan natin. Paano na 'yon?" inosente nitong tanong kaya napapailing na lamang ako.

"Wala ka naman no'n, kami lang!" pang-aasar ni Bea at tumawa pa, tinignan naman siya ng masama ni Tiffany.

"Ikaw nga eh walang dibdib!" hindi pa talaga nagpapatalo si Tiffany at sumagot na ikinatawa namin.

Kinapkap ni Bea ang bandang dibdib niya at napakamot sa kanyang noo.

"Oo nga 'no." napahagikhik nitong saad. Mga siraulo talaga!

PAGKARATING namin sa parking lot ay tinignan pa namin ang itsura namin at inayos ang buhok bago namin napag-isipang lumabas.

Okay lang sa akin na ma-late since pull out lang naman ulit kaming dalawa ni James pati na rin ang ibang candidates since start na ngayon ng practice.

May hiphop competition din by grade kaya siguro sa tingin ko magkakaisa kami dahil dito. Nang makalabas na kami ay as usual tinatahak na namin ang daan na hindi masyadong dinadaanan ng mga mag-aaral.

May mga nakakita sa amin at ang iba'y namumukhaan kami habang ang iba ay balewala lamang.

May mga nagbubulungan nang tinahak namin ang daanan na usually na dinadaanan namin, binalewala lang namin iyon at nagpatuloy lamang.

May iba na narinig naming nagsabi na wala naman daw'ng nagbago sa amin at sadyang umayos lang ang pananamit naming which is actually true.

Nang makarating na kami sa room ay nakita naming napangiti sina Lance nang makita kaming nasa ayos na kinalalagyan, na ayos na ang mga mukha naming at hindi na nagpanggap pa.

Nakita kong magulo pa rin ang room dahil may mga iba't-ibang grupo ng mga kaibigan dito sa room, kagaya na lamang naming.

Hindi naman talaga maiiwasan 'yang mapabilang ka sa isang grupo or sa friends that you wanted to be with.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now