CHAPTER TWENTY-NINE

4.7K 138 22
                                    

ANGELA'S POV:

Maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na doorbell mula sa baba kaya agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo na ang daan pababa.

Dahan-dahan pa akong kumilos dahil ayaw kong magising ang apat kong mga kaibigan sa sobrang himbing nilang pagkakatulog.

Yes, dito na sila natulog dahil sobrang late na rin noong matapos kami sa pagcelebrate ng kaarawan ko habang sina James naman ay syempre pinauwi na namin kasi mahirap na't magtaka ulit si Dad kung bakit natakpan iyong CCTV magdamag.

Nang makarating sa baba ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang matandang guard ng aming subdivision, napangiti ito nang makita ako kay sinuklian ko rin siya ng isang ngiti.

"Good morning, Ma'am!" bati nito sa akin, binati ko rin naman siya pabalik habang sinusuklay at inaayos-ayos ang aking magulong buhok.

Napatingin ako sa hawak niyang isang maliit na box na inabot niya sa akin, napakunot noo ako dahil dito.

"Ma'am, pinapabigay daw po."

Tinanggap ko naman ang inabot nito at tinanong si Manong, "Si Dad po ba ang nagpapabigay nito, manong?"

Umiling ito, alam ko kasing kilala niya si Dad lalo na't si Dad ang naghire sa kanya bilang guard ng subdivision namin.

"Hindi po, hindi ko rin po kilala yung nagpapabigay kasi hindi naman po sinabi ang pangalan. Ang sabi niya lang po'y inutusan siya para ibigay raw po 'yan sa iyo." Napatango-tango ako sa sinabi ng guard at saka ito nginitian.

"Maraming salamat po sa paghatid nito, manong!" tumango-tango lang din ito at sinabi'y mauuna na siya.

Tinignan ko muna ang kapaligiran sa labas ng bahay kung may tao o sasakyan baa ng kahina-hinala pero ako nama'y nabigo kasi sobrang tahimik lamang sa labas.

Sinara ko na ang pintuan at nang naglakad na, ilang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay napahinto ako sa kaibigan kong pababa ng hagdan.

Dahan-dahan kong tinago sa aking likuran ang aking mga kamay kung saan hawak-hawak ang maliit na box at sinalubong ang pababang si Kylie.

"Good morning, Gel, bati nito sa akin habang kinukusot-kusot at humihikab pa. Pilit ko naman itong nginitian, "Good morning din, Ky. Aga mo ah?"

Napahawak naman ito sa kanyang tiyan kaya na-gets ko agad ang kanyang gustong iparating, "Initin mo na lang ang mga ulam na nasa ref."

Nagsimula na ulit akong umakyat nang tinanguan lamang ako nito.

Napabuga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib, buti na lamang at wala pa ito sa ulirat at 'di na nito natanong pa kung sino ang nasa pintuan kanina at kung ano ang nakatago sa likuran ko.

Nakahinga ako lalo ng maluwag nang makarating ako ng matiwasay sa aking kwarto.

Naabutan ko ang kakabangon na si Nicole na nasa palapag at sina Tiffany naman na nasa higaan ko at natutulog pa rin.

"Nicole?" tinawag ko ang pansin nito at agad naman itong lumingon sa direksyon ko.

"Yeah?" tanong nito, lumapit ako sa pwesto niya at umupo sa sahig. Nilabas ko ang box na natanggap ko mula sa guard at pinakita sa kanya.

"May nagbigay sa akin nito ngayon lang, hinatid lang siya ng guard." Pagsisimula ko, napaayos siya sa kanyang upo at tinaasan ako ng isang kilay.

"Ano namang problema? Para sa'yo naman pala 'yan? Edi buksan mo na?" she suggested na agad nakapagpailing sa akin.

Nilapag ko iyong box sa sahig at tinitigan, "I don't know kung safe ba ang laman niyan, Nic. Lalo na at hindi natin alam kung saan galing!"

"Birthday mo kahapon, malay mo galing kay Dad mo o di kaya kay Tito Luke, Tita Sheena o 'di kaya'y galing sa Mom mo?" napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga at tinitigan siya na ngayo'y nakatingin din sa akin.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon