CHAPTER THIRTY-ONE

4.8K 162 19
                                    

ANGELA'S POV:

Mabilis akong kumilos pagkatapos akong tawagan ni Dad at inihanda ang mga kakailanganin ko papunta sa aming bahay, sa aming emperyo.

Sabado naman bukas at bukas daw ako kukunin ng mga tauhan ni Dad, hindi ko alam kung ilang oras ang dapat tahakin papunta sa aming bagong mansion pero ang alam ko lamang ay sobrang layo pa at kailangan pa raw na sumakay ng Bangka.

Natulog na ako pagkatapos ko maghanda at hindi na nakausap pa ang aking mga kaibigan patungkol sa sinabi ng aking ama.

Since semestrial break na namin next week ay hindi na ako tumanggi pa sa alok ni Dad since once in a blue moon ito hindi busy.

Alas otso na nang magising ako, dinaluhan din ako ng aking mga kaibigan dahil mag-aaya sana sila na pumunta kaming Mall ngayon pero nagpaliwanag ako sa kanila na hindi muna ako makakasama at dahil nga nakita na nila yung nakaimpakeng gamit ko ay hindi na nila ako pinilit pa.

"Sure ka na riyan, Gel?" nag-aalalang tanong ni Bea kaya tinawanan ko siya dahil sa kanyang mukha na akala mo'y nakuhanan ng kanyang paboritong pagkain.

Sobrang protective lang talaga ng mga ito sa akin kaya sobrang thankful ko rin na may mga kaibigan akong tulad nila.

"Oo, minsan lang naman ito at saka gusto ko na talagang kausapin si Dad tungkol doon." Sagot ko sa kanya habang sinusuklay ang aking buhok at nakatuon ang pansin sa sarili kong repleksyon sa salamin habang sila'y nakaupo sa aking higaan.

"Nando'n iyong step mom mo, sis! Masisikmura mo ba ang baho noon?" tanong naman ni Tiffany kaya napatingin ako sa kanya sa salamin at nginitian.

"Kakayanin, syempre. Ayaw ko namang sirain ang mood namin doon sa bahay kahit naman siya lang talaga iyong naninira ng mood." I hieved a deep sigh after saying it.

Naaalala ko na naman kasi ulit iyong mga bangayan at sagutan namin na ikinagalit ni Dad and of course I don't want that, ayaw kong nagagalit si Dad sa akin kasi syempre she's putting the blame on me.

Umiiyak at umarte pa nga siya noong nakita kami ni Dad na nag-aaway, sabi niya pa na sobrang disappointed siya sa sarili niya kung bakit daw hindi niya kaya na pakisamahan ako.

Ako naman, inis lamang akong tinahak ang kwarto ko sa oras na iyon at lihim na umiyak.

Agad akong napatayo nang makarinig ako ng busina sa labas, nakita ko ring tumayo ang aking mga kaibigan at tinulungan akong bitbitin ang isang bag.

"Ang bigat naman nito Gel, maglalayas ka ba?" natatawang tanong ni Kylie na tinawanan ko rin habang pababa kami sa hagdan.

"Isang linggo rin ako ro'n, eh. Wala rin naman ako masyadong gamit doon diba since kalilipat lang din namin doon, 'di naman ako pinagbibili ng gamit ni Lori." Sabi ko naman pertaining to my step mom.

"Kung maka-Lori 'kala mo 'di nanay, ah!" umiiling pang wika ni Bea na ikinangisi ko.

"Hindi naman talaga." Maikli kong sagot na siyang ikinatahimik ng aking mga kaibigan.

Nakita ko agad pagkalabas ko ang isang puting van at iyong kanang kamay ni Dad na siyang tumulong sa akin sa pagdala ng aking isang bagahe at nilagay iyon sa likod ng sasakyan.

Kinuha ko naman ang bag na dala-dala ngayon ni Nicole at pinagsalamatan ito.

"Bye, Gel!" sabay nilang pamamaalam sa akin bago pa ako pumasok sa front seat ng van at sinara ang pintuan.

Binuksan ko naman ang bintana, "Bantayan niyo ang bahay ko."

"Ang demanding mo, 'te! Wala namang papasok dyan at saka magbabakasyon din kami 'no, akala mo ikaw lang?" napapailing ako na natatawa nang sabihin iyon ni Tiffany at saka nagpaalam na sa kanila ng tuluyan nang bumukas ang pintuan sa driver's seat.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now