CHAPTER THIRTEEN

5.7K 188 0
                                    

ANGELA'S POV:

Next week Wednesday daw yung opening ng Intramurals and limang araw iyon magte-take place, so bale sa Linggo kung saan ito'y last day ng Intams mangyayari ang Mr. and Ms. Intramurals pageant night.

It's fine with me lalo na't we have enough time to prepare and sa tingin ko ay tutulungan pa ako ng lima sa paghahanap ng make up artists at ang magiging trainor ko sa paglalakad gamit ang kung anong heels ang ipapasuot sa akin sa pageant.

Sinabihan kami ni Ms. Cordova na magme-meeting pa raw ulit sila ngayon kaya bukas niya na masasabi sa amin ang further information na kailangan namin sa gaganaping pageant.

Early Dismissal kami since yung professor namin sa last subject ay maghahanda na raw para sa gagawin nilang meeting, faculty meeting to be exact.

Nagsitayuan na kami agad pagkatapos naming ligpitin ang aming mga gamit at hindi na nagsayang pa ng oras saka lumabas na.

Kinuha ko rin ang cellphone ko mula sa bulsa at tatawagan na sana si Dad pero may tumawag sa pangalan ko kaya napahinto kami ng mga kaibigan ko sa paglalakad at napalingon sa tumatawag sa akin.

"Angela!" sigaw nito at nang makitang nakahinto na kami ay patakbo itong lumapit sa amin kasama ang kanyang mga kaibigan na parehong nakangisi akong tinitigan.

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa pinapakita ng mga ito.

"What?" tanong ko rito while he is still catching his breath, dahil na rin siguro sa pagtakbo nito ng kay bilis.

Napapahawak pa ito sa kanyang tuhod at hinihingal pa rin, tumingala naman siya at nakita ko ng maayos ang mukha niya at 'di maiwasang matulala rito.

What the fck, Angela?

Tumayo naman ito ng maayos kapagkuwan kaya ngaon ay ako naman ang napatingala ng kaonti sa kanya, he is indeed a human size tree for he is tall and he has this chiseled jaws and literally has a body that can be likened to athletes.

"You've grown so much." Bulong ko na nakapagpataas ng kanyang kilay. "What?" tanong niya naman na nakapagpailing kaagad sa akin.

"Wala! Ano nga pala ulit yung sasabihin mo? May sasabihin ka diba?" paglilihis ko para hindi niya na tanungin iyong kung ano mang narinig niya and sana hindi niya na iyon narinig pa.

"Ah, ano. Sorry nga pala." Napapakamot pa ito sa kanyang batok na siyang nakapagpahagalpak ng tawa ng kanyang mga kaibigan kaya nilingon niya agad ang mga ito at tinitigan ng masama at agad naman ang mga itong napatakip sa kanilang bibig para pigilan ang pagtawa.

"Sorry saan?" tanong ko kahit naman alam ko naman kung para saan yung sorry niya. He should be more complete at sincere 'pag nagso-sorry siya ano! Dapat lang!

"Sorry do'n sa nasabi ko noong nakaraang buwan." Dagdag niya na ikinangisi ko. Nasaan na yung supladong James, ha?

"It's okay, alam ko namang sinadya mo yun." Inirapan ko naman siya agad at narinig ko pa ang tawa ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko.

Nahinto lamang sila nang magsalita ang isang lalake na kaibigan ni James. Hindi ko pa talaga kabisado ang kanilang mga pangalan dahil wala naman sila no'ng introduction at kahit present man sila ay makakalimutan ko pa rin ang pangalan nila.

"Guys! Why don't we introduce ourselves properly para naman makilala natin ang isa't-isa since okay na rin naman si Angela at James. Syempre ang baduy no'n 'pag magkaaway pa rin sila tapos sila ang magkaka-partner sa pageant diba?" anito na nakapagpasang-ayon sa mga kaibigan niya pati na rin ng mga kaibigan ko.

"Alright! Wala namang mawawala kung gagawin natin iyan!" kinindatan pa kami ni Bea saka naman nauna na siya dahil sabi ng mga kaibigan nitong James na ladies first daw.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now