CHAPTER SIX

7.9K 251 7
                                    

Angela's POV:

Kanina pa ako nakatunganga sa bintana at hindi man lang nakikinig sa kung ano-anong binabanggit ng prof namin sa unang subject para sa araw na ito. I was preoccupied, very.

Kahit anong pilit kong huwag na muna isipin ang mga mangyayari at sa kay kambal ay hindi ko pa rin magawa-gawa. One time, naiinis ako kakaisip na baka wala talagang pakealam si Mom at Dad sa kakambal ko, kung may pake man sila sa nangyayari ay sana noon pa ay kapiling na naming ulit si Craine.

How can they even assure me that they are doing things right? 'Cause right now, nagdududa na ako sa mga pinangggagawa nila, something's really wrong that's why I also needed a plan to move on my own in finding him.

Dad... he is a very secretive person and I can't read his every move and I can't find a reason not to judge him. But for now, I can't withstand myself thinking about the possibilities dahil nga ayokong magpadalos-dalos.

If I do things without thinking, it would be the end of me. The fcking end.

"Gel, you alright? Kanina ka pa ah." Kylie asked in a worried tone, standing infront of me along with our other friends. Napangiti ako ng may pag-aaalinlangan. "I am. I guess. Just thinking about stuffs that don't include anyone of you."

Nakita ko naman agad ang pagkadismaya sa mukha ni Tiffany pagkasabi na pagkasabi ko no' n.

"Don't tell us that you're thinking on doing things on your own? Stop that mindset Angela, it won't help you, trust me." Nicole seriously said. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"You don't understand, Nicole. No one of you understands how desperate I am right now!" pasigaw kong sagot na halos ang ibang kaklase naming na nasa classroom pa ay napapatingin na.

"We understand, Gel. We understand how you feel right now and we know it is for the both of you, of you and your brother but aren't your ways just too cruel for you? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi ka ba naaawa sa sitwasyon mo ngayon? Loosen up, Angela! Don't ever do things on your own from now on." Segunda pa ni Nicole.

What did I ever do to deserve these kind of friends? How can I be so cruel to them and... to myself? What am I even doing?

Tangina, nasa tamang pag-iisip pa ba ako?

"Yeah right! Akala ko ba sama-sama nating haharapin ang bawat problema ng bawat isa sa'tin? Asan na ba yun?" takhang tanong ni Bea.

"Pasensya na kayo kung pinag-alala ko kayo sa mga problema ko at sa kung anong desisyong naisaisip ko ngayon. Pasensya na..." pagpapaumanhin ko.

"Sa susunod ah, di dapat natin sinasarili ang mga problema natin. Kahit man mahirap harapin alam kong may solusyon ito at alam kong matatapos din agad ang mga problemang ito 'pag sabay-sabay natin itong haharapin." Nakangiting sabi ni Kylie sa amin kaya napangiti na rin ako.

Nahinto lamang ang panandalian naming pagtitigan at pagngiti sa isa't-isa nang magsalita si Tiffany.

"Guys? Hindi pa ba tayo kakain? Kumakalam na ang sikmura ko oh tapos baka maabutan pa tayo ng second period na di pa kumakain." Nakangusong pagpuputol ni Tiffany sa ginawa naming at napapahawak pa sa kaniyang tiyan.

Napapailing na lamang kami sa ginawa ni Tiffany kaya napatayo na ako at nagsimula nang maglakad kasama ang apat papuntang cafeteria.

Oo nga pala at nagpapanggap kami bilang nerds kaya hindi na kami nagsasalita pa ni isang salita habang naglalakad sa hallway at sinasalubong na lamang ang mga mapagtanong at mapanghusgang mga mukha ng mga estudyante.

Nang makapasok na sa cafeteria ay rinig namin ang sari-saring bulungan ng mga estudyante sa bawat mesa, hindi sa amin kundi sa mga tinatawag nilang mga prinsipe 'kuno' na ubod ng kagwapuhan.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon