CHAPTER TWENTY-THREE

5.6K 167 8
                                    

ANGELA'S POV:

Habang tumambay kami kahapon sa ilalim ng punuan ng mangga kung saan may mahabang upuan at mesa na nag-uusap ay hindi na rin kami bumalik sa room dahil nagmessage si Ms. Cordova sa group chat namin na hindi pa sila natapos sa meeting nila.

Hindi lang naman daw kasi tungkol sa awarding ang kanilang pinag-usapan at may iba pa raw.

Imbes na maayos ang aming pasok kahapon ay para pa itong irregular dahil pagkatapos ng lunch break ay hindi rin pumasok ang aming professor sa pangatlong subject at may binilin lamang na activity at gawain.

Sa panghuling subject naman namin kahapon ay pumasok ang guro namin sa MAPEH at may sinabing mga kung ano tungkol sa gagawin namin next semester which is swimming na raw.

Ngayon ay may pinasulat na essay ang guro namin sa panghuling subject namin tungkol sa kadalasang problema sa ating bansa at kung ano ang mga masasabi ko patungkol dito at ang mga paraan na maiwasan ang mga ito.

Since tapos na ako sa pinapagawang essay ay tumayo na ako at ipinasa ang one whole sheet ng yellow pad paper ko.

Tinanggap naman kaagad ng guro namin na si Mrs. Binggas pero bago ako tumalikod ay may sinabi pa ito.

"You're so gorgeous iha noong pageant mo." She suddenly complimented na siyang narinig ng ibang mga kaklase ko na nasa first row at napatingin sa amin ni Mrs. Binggas.

"Thank you po." Magalang kong pagpapasalamat dito, nginitian ako nito at bumalik na rin naman agad ako sa aking upuan at nahagip ulit ng aking mga mata ang upuan ng lima.

"Sa tingin ko'y naghahanda na talaga iyon sila para sa gagawin mamayang gabi." I said to myself pero agad napalapit si Bea sa akin at napapatango-tango.

I rolled my eyes dahil kahit pala rito ay naririnig niya pa rin ang kung anong sasabihin ko.

"Mabuti pala at maaga rin ang uwi natin kahapon, ang bait talaga no'ng guro natin sa Mapeh ano?" sumang-ayon kaming apat sa sinabi ni Kylie habang siya'y tinatapos ang kanyang essay.

Nagpaalam kasi kami kahapon na may emergency sa bahay namin at pinauwi rin naman kami nito since hindi na rin siya magtatagal at yo'n lang ang announcement na sinabi niya sa amin.

"Pass your papers now." Nahinto kami sa pag-uusap namin tungkol sa guro namin kahapon at kina James nang magsalita ang aming guro.

Tumayo na ang apat kong kaibigan at ipinasa na ang kanilang mga papel, inayos ko na rin agad ang aking mga kagamitan habang hinihintay makabalik ang aking mga kaibigan.

Nang makabalik na sila ay agad din nilang inayos ang mga gamit nila sa armchair nila at pinasok ito sa kani-kanilang mga bag.

Nagpaalam na ang guro namin sa amin, "Goodbye Grade 12, see you next meeting."

Nagpaalam din kami sa kanya at pinasalamatan siya. Hindi na namin hinintay pa si Ms. Cordova since pwede na rin naman umuwi kaagad at since hindi kami cleaners ngayon ay maaari na kaming umuna na.

"Ang laking advantage nina James itong pag-absent nila ah! Marami silang oras para makapag-ensayo."

Napatango ako sa sinabi ni Bea habang papunta kami sa parking lot.

Totoo naman ang sinabi niya pero sa tingin ko'y pinaghandaan lamang talaga nila itong araw na ito since makikita na rin namin silang makipaglaban.

"Duh, it's all about skills, Bea! Palibhasa wala ka kasi no'n!" natatawang pang-aasar ni Tiffany na ngayo'y sinamaan na siya ng tingin.

"Anong connect ng sinabi mo sa sinabi ko, ha?" galit nitong tanong at lalo pang nainis dahil sa tawang tinugon ni Tiffany at sa mga hagikhikan namin.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now