CHAPTER TWENTY-ONE

5.6K 169 11
                                    

ANGELA'S POV:

Habang patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan ay isinabit ko ang sheath at ang patalim sa may hita ko at natatabunan ito ng suot ko kaya hindi ito kita.

Nang makalapit ng tuluyan ay sinipa ko ang isang nakaitim na lalake na lalapit sana kay Kylie, napalingon si Kylie sa akin at nginitian lamang ako nito.

Nakita kong may isang lalake ang lumapit sa akin, susuntukin niya n asana ako pero agad kong napigilan ang kanyang kamay at binalibag siya.

Ngayo'y nakahiga na siya kaya agad akong dumagan sa kanya at mariing hinawakan ang kanyang leeg na nakapagpadaing sa kanya.

"Sino ang nagpadala sa inyo rito?" nanggigigil kong tanong at balak pa sana nitong kumawala pero hinead-butt ko na agad siya bago siya makawala.

"H-hindi..." umiiling-iling ito at napapikit pa dahil na rin siguro sa sakit sa noo niya sa ginawa ko.

Hinead-butt ko ulit siya na nakapagpawala sa kanyang malay.

Agad akong tumayo at hinihimas-himas ang aking noo, ang tibay rin ng bungo no'n ah.

Tinakbo ko ang pagitan namin noong isang lalakeng nakakita sa akin at binigyan siya ng uppercut nang makalapit ako, napaatras ako nang nasuntok niya ako sa may tagiliran at napahawak agad sa aking tagiliran.

Susugod sana ulit ako nang agad akong napaluhod dahil sa sakit na natamo sa tinusod kong tuhod, napaangat ako sa aking ulo nang inangat ito ng taong humawak sa aking buhok.

"Boss, nasa amin na siya." Wika nito at pinatayo ako, sisikuhin ko n asana siya sa kanyang tiyan pero agad niyang hinawakan ang kamay ko and twisted it. Shit.

May kinuha itong kung ano sa bulsa niya at tinalian ang magkabila kong kamay.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang maglakad nang tinutulak-tulak niya ako. Sumama naman sa amin iyong nakalaban ko.

"Kylie, hanapin niyo ak--!" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil sa panyong -tinali naman ngayon sa bibig ko para 'di ako makapag-ingay.

Nagpumiglas pa ako at sinamaan ng tingin ang nakalaban ko kanina na siyang nagtali nitong panyo sa aking bibig.

Napahinto ako sa paglikot-likot nang maramdaman ang sakit ng aking likuran dahil sa inihampas noong lalaking tumisod sa akin gamit ang kanyang baril.

Nilingon ko ulit ang mga kaibigan ko na patuloy pa rin sa pakikipaglaban pati sina James, si James na ngayo'y hindi nan aka-tuxcedo at nakipagsuntukan na.

"Angela, we'll look for you!" rinig kong sigaw ni Bea kaya napatalikod na ako ngayon pero agad ding napaharap sa marahas na ginawa nitong lalakeng tumutulak-tulak sa akin, hinayaan ko na lamang sila sa kung saan nila ako dadalhin.

"Ito pala 'yong sinasabi ni, boss?" tanong noong lalakeng nakalaban ko kanina at lumapit sa akin saka ako tinignan.

Pinandilatan ko naman siya ng aking mata kaya napatawa ito. "Matibay itong isang 'to, tol ah!" dagdag nito.

"Anak 'yan ng Hari kaya ganyan, iyan." Walang emosyong sabi nitong nasa kaliwa ko.

"May nagawa 'to, may kinalaman yata sa pagkawala ni Arturo." Dagdag nito na ngayo'y mas diniinan pa ang paghawak sa aking braso.

"Lagot talaga 'to kay bossing! Hahaha!" natatawa namang saad nitong lalakeng nasa kanan ko.

Ilang pasikot-sikot din sa mga rooms bago kami tuluyang nakarating sa kung saan nila ako dadalhin, ewan ko pero nang tahakin naming ang lobby patungo rito ay walang ni isa kaming estudyante o guro ang nakasalubong.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now