CHAPTER FOUR

9.4K 292 1
                                    

ANGELA'S POV:

Nagulat ako nang lumapit ang kanang kamay ng Hari sa amin at naghatid ng mensahe na tinatawag daw kami.

Syempre ayaw kong iwan kaagad ang battle, kapag kasi hindi ako mananatili rito ay mawawalan ako ng gana. Napatango na lang ang lalake at kaagad umalis, alam kong nirerespeto niya yung desisyon ko at alam ko ring alam niya kung bakit ayaw ko pang pumunta sa itaas.

"Ang mean mo talaga, Gel!" malungkot na saad ni Tiffany habang naka-crossed arms kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "What's wrong with what I've said, Tiffany?"

Nang makita niya ang seryosong tono ng pananalita ko ay tumingin siya kaagad sa battle grounds kung saan ay may naglalaban na ngayon. "Wala po, wala."

Ang labanang ito ay hindi lamang natatapos ng isang araw, may possibility na maitutuloy ang susunod na labanan sa susunod na linggo dahil na rin sa pagiging marami ng gangs na kasali.

Hindi lang kasi natatapos ang lahat sa isang round, kung sinong mananalo sa first round ay siyang makaka-proceed sa second round at doon magkakala-kalaban ang naging panalo sa first round.

Sa third round ay ganoon din, kumbaga paubos ng paubos ang mga maglalaban. Siguro sa last round ay apat na lang ang maglalaban at ang posibleng gang na makakasali sa organization ng Mafia King ay nasa mga dalawa.

Ngayon ay dalawang gang naman ang magkakalaban at puro babae, ang sakit lang sa mata nung mga sinuot ng mga babae, masyadong maikli na animo'y sasali sa isang paligsahan ng paiklian. Tsk.

Sigurado akong ngayong gabi kami makakapaglaban, bukas naman ay absent pa rin kami dahil kailangan din naming magpahinga at relax ang sarili namin bago ulit sumailalim sa matinding labanan sa paaralan. Not literally but yung pakikipaglaban academically.

Sa aming limang magkakaibigan ay walang ni isa ang nakakakuha ng grado na 85 pababa, siguro dahil sa mga kaalaman namin sa maraming bagay ay nai-aapply na namin ito sa paaralan namin.

Alas nuwebe na at ngayon ay ika- labing syam na gang na ang nakikipaglaban. Hiling ko lang na sana kami na ang isusunod nito. Hindi ako makafocus sa labanan dahil sa ginawang paninitig ng ibang tao sa amin, lalo na mula sa isang lalakeng myembro ng X Lethal.

Hindi ako sigurado kung myembro ba siya o lider, basta sa akin, nakakainis na ang kanyang pabalik-balik at pasulyap-sulyap na titig sa amin kaya nang mahuli ko ang kanyang paninitig ay binigyan ko siya ng masamang titig kaya ito napaiwas ng tingin kaagad.

Inanunsyo na ng emcee ang panalo at ang nanalo ay ang Young Threats. I don't know them and I don't intend to. Ngayon naman ay iaanunsyo na ng emcee ang sunod na maglalaban.

"Ngayon ay mula sa mga babae naman tayo tumungo! Ito ang ika-dalawampong labanan ngayon, maglalaban ang Phantom Ladies at ang pinaka-inaabangan ninyong... Deadly Royalties!"

Halo-halong sigaw, singhap at bulungan ang siyang bumungad sa amin pagkatapos ianunsyo iyon ng emcee, maraming tao ang napatingin sa aming direksyon na para bang naaawa sila sa amin.

"They really thought that we're faking our own identities, huh?" nakangisi kong wika. "Mga bobo, tignan lang natin ngayon kung sino ang kakaawaan nila." Natatawang saad ni Kylie saka tumayo.

Tumayo na rin kaming apat at sinundan si Kylie na nangunguna na ngayon patungo sa Battle Ground.

"Kaawa-awa ba tayo tignan guys?" napahinto si Kylie na nasa harapan ko sa paglalakad dahil sa sinabing iyon ni Tiffany. "Isa ka rin eh!" naiinis niyang untag at tumalikod saka nagpatuloy sa paglalakad patungong battle ground.

Nakita na namin na nasa gitna na ang limang babaeng aming makakalaban. Habang papalapit kami ay kita naming mula pa sa aming lokasyon ang kanilang mapaglarong ngisi.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now