CHAPTER TWO

16K 368 35
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Alas kuwatro imedya na ng matapos sa paghahanda para sa kaganapan mamaya ang lima. Nagtraining ulit sila gaya nung ginagawa nila noon bago sila makipaglaban at makikipagsapalaran sa ganitong kaganapan.

Pitong Taon na silang sumali at nakikipagsapalaran sa kaganapang ito. Simula noong sila pa'y nasa walong taong gulang ay kasali na sila sa magaganap sa Underground Arena pero sa pitong taon nilang pagsali rito ay walang ni-isa sa kanila ang pinili dahil sila'y sobrang bata pa.

Alam ng mga nakakataas doon na sila ay may angking galling sa pakikipaglaban pero sila'y masyadong bata pa.

Kaya huminto sila ng dalawang taon para maihanda ang sarili nila sa kanilang pagbabalik. At ngayong nasa labingwalong taong gulang na'y alam nilang mananalo sila sa paligsahan.

Ang magaganap sa Underground Arena ay isang Battle ng iba't-ibang gangs kung saan ang mananalo ay pipiliin ng Mafia King bilang ka-alyado nila. Aabot sa higit isang daang gang ang sasali sa kaganapan ngayong taon at isa na sa isang daang grupo sina Angela.

Natulog muna sina Angela at gigising mamayang alas syete upang maghanda ulit sa kanilang pagpunta sa Underground Arena. Nang magising ay inihinda na nila ang kanilang mga kagamitan na gagamitin sa Arena katulad ng Katana, Machete, Cutlass, Model 1832, Trench Knife, Bollock Dagger and Scottish Dirks pero tatlong kagamitang panlaban lang ang kanilang pinili.

Ang Bollock Dagger, Trench Knife at Scottish Dirks na kanilang inilagay sa kanya- kanya nitong Sheaths o lalagyan. Ihahanda rin nila ang kanilang mga susuotin mamaya. Alas otso sila lumarga patungong headquarters nila na malapit lang sa Arena.

Ang gang lang nila ang siyang pinayagan ng nakakataas ng Arena na magpatayo ng headquarters na malapit sa Arena, walang ni ibang grupo ang nakakaalam ng HQ nila kundi sila lamang at ang mga tauhan sa Arena.

Aabutin ng tatlong oras ang kanilang magiging biyahe dahil malayo ang lokasyon nila patungong HQ. Si Nicole naman ang nagdrive ngayon habang katabi niya si Angela at ang tatlo ay nasa likod, natutulog.

"Marami yatang bagong grupo ang sasali ngayong taon, Gel." Pagsisira ni Nicole sa katahimikang namamagitan sa kanila. Napatingin naman si Angela sa kanya at napatango.

"May usap-usapan na may isang grupo mula sa mga lalaki daw na mga magagaling ang sumulpot noong tayo ay huminto sa pakikipaglaban. Tama ba ako Nicole?" tanong ni Angela sa kaibigan.

"Oo nga! X Lethal daw yung pangalan ng gang nila, Gel. Naiko- kompara nga sila sa atin, yun bang magkalevel lang daw ang galling natin, yun ang sabi- sabi nila."

Biglang tumahimik si Angela at bigla ring nagsalita. "Tsk, imposible."

Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na byahe ay nakarating na rin sila. Pinasok ni Nicole ang sasakyan nila sa isang liblib na kagubatan at pumasok din sa tunnel na di-diretso sa parking lot ng kanilang HQ.

Ginising na ni Nicole ang apat niyang kaibigan at sinabihang nakarating na sila. Hindi nakabukas ang ilaw sa parking lot nila kaya binuksan ng apat ang kani- kanilang flashlight sa cellphone.

Iba't-ibang klase ng sasakyan ang nakaparada sa kanilang parking lot.

"Nailagay na raw ni Kuya Chase rito ang mga big bikes na gagamitin natin mamaya eh. Ano, tignan na natin?" pag-aaya ni Kylie at sabay tungo sa direksyon kung saan ipinarada ang big bikes ng lima.

"Ano nga yung model niyan?" tanong ni Bea sa apat. "It's the Ducati Panigale V4 R" sagot ni Angela na patuloy pa ring pinagmamasdan ang mga nakaparadang sasakyan.

"Mine will be this color balck." Dagdag niya habang nakalapit na sa motorbike at hinahawakan ito na akala mo'y ngayon lang nakakakita nito.

"Yes, Boss!" sagot ng apat.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now