CHAPTER SEVEN

7.2K 248 7
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Pang-apat at panghuling subject na nina Angela iyon sa araw na iyon at laking pasasalamat niya na wala pa silang schedule na hanggang alas syete ng gabi since unang semester pa naman.

Naiinip na siya dahil sa katagalan ng oras, gustong-gusto na nitong umuwi kasama ang mga kaibigan upang mapag-usapan ang impormasyong nakuha ni Kylie mula sa kasamahan nitong hacker din.

Hindi na sila nakapag-usap noong lunch sa kadahilanang may pinapagaawa kaagad ang prof ng second subject nila, ang terror daw kasi nito.

Alas dose na sila nakapaglunch at ang bell time para sa pangatlong subject nila ay ala una. Bago sila dinismiss ng prof nila sa Philippine Politics and Governance (PPG) ay nag groupings sila para sa reporting na magaganap.

Sa kasamaang palad, dalawa sa kagrupo niya ay ang dalawa sa limang prinsipe sa paaralan nila, maisip niya lang ulit ito ay nag-iinit kaagad ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya kung makapagreact.

Hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha niya, tanggap niya na na kaklase niya ang mga ito pero ang hindi niya tanggap ay ang pagiging kagrupo niya sa mga ito kahit man na imposibleng di sila magkakagrupo since magkaklase nga sila.

Makalipas ang ilang minuto ay napahinto sa pagsasalita ang guro nila sa harapan nang tumunog ang bell. "Class Dismiss" , pagkasabi na pagkasabi nito ng guro nila ay tumayo ang lahat at nagpaalam na dito.

Dali-daling inayos ni Angela ang kanyang mga gamit at saka humarap sa kanyang mga kaibigan pero nang humarap siya sa kinaroroonan ng mga upuan nito ay wala na ang mga ito.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at nagtaka kung bakit pumunta ito sa iba't-ibang puwesto. "Gel, magkagrupo daw tayo sabi ni sir." Sabi ng kakarating lang na si Bea na galing sa clinic.

Nawala ito noong second subject nila at nagpaalam na pupuntang clinic dahil masakit daw ang ulo, hindi na rin ito nakabalik at hindi na nakapaglunch.

"Kumain tayo bago umuwi. Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Angela sa kaibigan. Ngumisi si Bea dahil sa tanong ni Angela.

"Uy, concern siya oh." Mapang-asar na sabi nito sabay sundot sa tagiliran ng kaibigan. Napaiwas naman si Angela habang pinipigilan ang pagtawa dahil sa kiliti.

"Sira! Sinong di mag-alala eh sabi mo masakit ang ulo mo tas di ka pa talaga naglunch." Sagot naman ni Angela na mas lalong nakapagpangiti kay Bea.

"Huhu nakakatouch talaga pag nagiging concern ka na." sabi pa nito na napapapunas sa imaginary luha.

Naputol lamang ang kakulitan ni Bea nang lumapit sa kanila ang kanilang kaklase na si Lance.

"Mga nerds, meeting muna tayo!" pasigaw na tawag nito sa kanila at tinuro ang pwesto ni James kung saan nakapwesto na rin ang ibang kagrupo nila. Napabusangot ulit ang mukha ni Angela at tumango.

Naglakad sila papunta sa pwesto ng mga kagrupo at nakinig sa mga suggestions at diskusyon ng mga ito.

Bandang alas sais na sila natapos dahil natagalan sa pagtalakay sa kung anong gagawin ang grupo nina Angela kaya napatawa ang kanyang kaibigan nang makita ng mga ito ang magkasalubong niyang kilay.

"Gel, ang gwapo pala noong kasama ni James ano?" pagsisimula ni Bea na parang kinikilig nang maalala ang binabanggit. Napatawa si Bea sa pa 'tsk' ng kaibigan at dahil sa kalokohang sinabi niya.

Alas syete imedya nang makauwi ang lima, ang apat na kaibigan ni Angela ay nasa iisang bahay lamang habang siya ay naiiba.

Yun ang bilin ng dad niya, na kahit mga kaibigan niya ay hindi dapat pagkatiwalaan dahil hindi nawawala ang mga traydor at maaaring malalapit sa kanya iyon.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now