CHAPTER TWENTY-FOUR

5.1K 153 7
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Pagkatapos ng nakakagulat na pangyayari sa may gate ng arena ay napagkasunduan ng sampo na pumasok na at iparada na ang kani-kanilang mga sasakyan sa parking lot ng arena.

Kung sa labas na kaanyuan ay may dalawang palapag ang arena nila na kung saan nakapaloob nito ang mga parking lot, pero sa katotohanan ay may tatlo itong palapag kasali na ang lugar kung saan nangyayari ang Underground Battle nila, sa Underground Arena.

Nang maiparada na nila ang kani-kanilang sasakyan sa ikalawang palapag ng arena ay nagsilapit ang mga kaibigan ni James kay Angela na nakasandal sa kanyang kotse.

"Ang ganda ng kotse niyo ah! Mas bet ko itong iyo!" masayang wika ni Jimmy na hinahaplos-haplos pa ang hood ng sasakyan ni Angela at napapakislap pa ang mga mata nito.

"Ito diba iyong bago ng Lamborghini?" dagdag niya na ikinatango ni Angela.

"Cool car." Pagkokomplimento ni James na ikinatingin ng lahat sa kanya kaya napatingin siya sa lahat na ngayo'y nakatingin sa kanya at tinaasan ito ng isang kilay.

"What?" napailing lang ang lahat at nag-iwas ng tingin maliban syempre kay Angela.

"Hindi kami makapaniwala na kayo ang Deadly Royalties!" sabat ni Rain na ngayo'y napapailing silang tinignan at makikita rin sa mga matang ito ang pagkamangha.

"Hindi nga rin kami makapaniwala na kayo ang X Lethal, eh!" patawang sagot ni Bea na ngayo'y lumapit na sa direksyon ni Angela.

"So..." paninimula naman ni Angela at awkward silang tinignan.

"Let's go?" dagdag niya na ikinatango ng lahat. Dali-daling umikot si Angela sa kabila at kinuha ang mga binili nitong makakain sa shotgun seat.

Tinulungan naman siya ng mga kaibigan niyang bitbitin iyon.

Nang makababa sila sa underground sakay ang elevator ay maraming nagsitinginan sa kanila noong bumukas ang elevator, syempre ay puro na sila nakamaskara. Agad nalaman ng ibang gang kung sino-sino ang nagsidatingan kaya binigyan nila ng madadaanan sila Angela.

Nagbubulungan pa ito kung bakit daw magkasama ang Deadly Royalties at X Lethal na siya lang namang binalewala ng sampo.

Sumiksik si Nicole kay Angela habang naglalakad at inabot ng palihim ang gagamitin nila mamaya sa labanan, isang multi-purpose gold knuckles na kapag may ipre-press kang maliit na button dito ay lalabas ang isang maliit pero sobrang talim naman na kutsilyo.

Nagpasalamat si Angela sa kanya at siniguradong hindi siya mahahalata ng kasabayang X Lethal sa ginagawa.

Hininaan niya naman ang paglalakad ngayon para makasabayan ang tatlo niya pang kaibigan saka diretso nitong binigay ang kani-kanilang mga knuckles na nakatago lang pala sa may bewang ni Nicole na mayroong hip bag.

Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa pintuan na may mga tagabantay na nagbabantay katulad noong unang punta nila sa unang araw ng underground battle.

"Pangalan ng gang?" tanong ng isang tagapagbantay na may hawak-hawak na papel na nakapagpalagay ang mga pangalan ng iba't-ibang gangs.

"Deadly Royalties." Sagot ni Angela, napatango naman ang nagtanong at saka tinignan ang kasama nilang mga lalake pagkatapos.

"X Lethal." Tumango rin ito at tinuon na ang pansin sa papel na hawak-hawak.

Napakunot ang noo ni Angela sa mga nagbabantay ngayon at nagtataka kung bakit hindi nito kilala ang gang nila at naisaisip na bago ang mga ito.

"Maaari na kayong pumasok." Saad nito at tumalikod para buksan ang pintuan.

Bago sila kumilos papasok ay napahinto sila dahil may tinanong pa si Kairo.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang