CHAPTER EIGHT

7.2K 218 7
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Oh ba't nakabusangot 'yang mukha mo?" salubong ni Bea sa kaibigan na nakapagpalingon ng iba sa gawi ng kakapasok lamang na si Angela.

Angela shrugged her shoulders at lumapit sa kinaroroonan nila at umupo sa malapit na sofa.

"I bet it was your dad?" tanong ni Kylie na nakapagpatango sa kaibigan. "Nah, don't mind me. What's important ay ang pagsang-ayon ni dad sa request ko na pahiramin tayo sa private plane."

Kinuha ni Angela ang laptop na nakapatong sa katapat niyang maliit na round table at saka nagtipa ng kung ano.

"Talaga? So it's settled then! Dustin, sasama ka talaga diba?" tanong ni Bea na mas lalong isiniksik ang sarili sa binata.

Kylie rolled her eyes at lumayo sa dalawa na animo'y may sariling mundo at lumapit na lamang kay Angela.

"Gel, let's start brainwashing?" wika ni Nicole na ngayon ay naka-squat at ipinatong ang kamay sa mesa.

Tumango naman si Angela at gumaya kay Nicole ng pagkakaupo, ganoon rin ang ginawa ni Tiffany at Kylie. Habang si Bea naman ay nasa upuan malapit kay Dustin na tutok na tutok sa laptop nito na nasa hita.

"So nandito na ang mga devices na gagamitin natin?" tanong ni Angela at naicheck ang maliit na box kung saan nakalagay ang gagamitin nila. "Have you planned about how we'd be getting in without getting caught?"

Nagkatinginan ang lahat at magkasunod na napailing. Napapatango-tango si Angela at ni-review ng maayos ang villa na kanilang pupuntahan at ang mga lugar na dadaanan nila.

"Diba'y nagha-hire ng mga waitress at singer ang villa na iyon? Puwedeng may pumasok na isa sa atin and well I think you have connections in Cebu, Tiffany?" tanong ni Angela na patuloy pa ring ginugugol ang sarili sa screen.

"Yep, I think magkakilala si tito at yung Mayor na sinasabi but still have to confirm that though." Sagot ni Tiffany.

"So sino na ang papasok sa villa bilang waitress o singer?" Kylie asked looking at everyone na baka mayroong mag-volunteer pero ilang sandali lamang ay walang ni isa ang nagsalita.

"How about you, Bea? You're perfect for a waitress and you don't need to worry about anything since kaya mo naman ang sarili mo and you can also capture things that they are doing while nagse-serve ka. Syempre with the help of the contact lenses." Mahabang litany ni Angela na nakapagpatango sa tatlo maliban kay Bea.

"Well if that's the only way then... game!" pagsang-ayon din kalaunan ni Bea. Sinara na ni Angela ang laptop at tumayo.

"Let's end it here guys since it is also getting late at may pasok pa tayo bukas. So I guess... good luck on Friday? And Dustin, thank you so much for lending a hand."

"Wala yun, miss!" kumindat pa ito kay Angela.

Tumango si Angela at naglakad na papuntang pintuan pero bago pa nito magawang pihitin ang doorknob ay napahinto siya. "Gel, wait!"

Nilingon niya naman si Kylie na ngayon ay kaharap niya na. "Ano yun, Ky?" bumuntong hininga ito at binalewala ang tanong niya at ito na mismo ang nagbukas ng pintuan.

"Puwede ba kitang makausap saglit?"Tumango si Angela at lumabas, sumunod naman ang kaibigan sa kanya.

Pumuwesto sila sa maliit na terrace na natatabunan ng mga halaman at saka nagkakatitigan ang dalawa. Napataas ng kanyang kilay si Angela sa nakikitang ekspresyon ng kaibigan.

"Gel, I know what you're up to and alam kong nagdududa ka na." panimula ni Kylie na nakapagpasalubong ng kilay ng kaibigan.

"What are you talking about, Kylie?" naguguluhang tanong nito.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now