CHAPTER TWENTY-TWO

5.2K 171 11
                                    

ANGELA'S POV:

Isang linggo rin kaming hindi pinapunta sa school dahil maraming inayos dito lalo na ang gym at nilinis din ang mga nakakalat na basura sa ground, iyon ang sabi ni Ms. Cordova sa group chat namin.

Lunes na ngayon at pinapabalik na kami sa school para daw makapagcatch-up na kami agad since pangalawang grading na ito at last grading na ito sa semester na ito.

"Buti nga ano malayo tayo sa bomba nang mangyari iyon?" Pagsisimula ni Tiffany na ngayo'y may lollipop sa kanyang bibig.

Papunta na kami sa room ngayon at maraming estudyante ang nagsialisan sa dinaraanan namin at nag-'excuse me' naman kami kaya maayos lang iyon.

May naririnig kaming mga bulungan na dahil daw sa isang video na nakita nila at hindi ko na napakinggan ang kasunod ng mga binulong nila kahit rinig na rinig ko naman at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

"Anong pinag-uusapan nila? Rinig niyo?" mahinang tanong ni Bea sa amin na ikinailing naming apat.

Napatango na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa room ay tumahimik ang lahat, hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang kutob ko na may kinalaman ito sa video na siyang pinagbubulungan ng mga estudyante na aming nakasalubong sa lobby kanina.

"Pati mga kaklase natin sobrang weird." Bulong naman ngayon ni Kylie sa amin at pumunta na sa aming mga upuan at umupo na.

Hawak-hawak pa rin nila ang kanya-kanyang cellphone kaya pinabayaan na lang namin sila at 'di na pinatuonan ng pansin.

Maya-maya lang habang nakatungo ako sa aking arm chair ay napaangat ako sa aking ulo nang makarinig ng mga tilian ng mga kaklase ko, sina James pala na kakarating lamang.

Nakita ko si James na napahinto sa may pintuan at parang may hinahanap sa paligid, nang mahagilap nito ang mga mata ko ay napabuntong hininga ito at nagsimulang maglakad papunta sa aming lugar.

"Saan pupunta ang isang iyan?" biglaang bulalas ko na nakapagpatingin ng apat kong kaibigan sa akin.

Tinignan ko sila isa't-isa at nakitang naguguluhan ang mga ito. "Sino 'te?" pabalik na tanong ni Bea sa akin na nakapagpailing na lamang sa akin pero napatingin ulit ako kay Bea nang may malakas itong sinabi na nakapagpalingon halos lahat ng kaklase ko sa direksyon namin.

"Ah kaya pala!" malakas nitong pagkakasabi at kinakalabit-kalabit naman ngayon ang aking kamay kaya inis akong napatingin sa kanya.

"What?" inis kong tanong dito na ikinatawa niya at ngumuso sa gilid ko kaya napatingin naman ako ngayon sa aking gilid.

Napalayo ako ng kaonti dahil sa sobrang lapit nitong mukha ng katabi ko ngayon na si James, nakita ko naman na lumipat ng kanyang upuan si Nicole at napatingin ulit sa aking katabi na ngayo'y nakangisi ng parang aso.

"Good morning, Elise. Kumusta ka?" tanong nito na ikinatawa ng mga kaibigan ni James na nasa likod lang pala namin kasama si Bea pero umisog ito papalapit sa akin para makalapit din ang mga kaibigan ni James.

"What's wrong?" masungit na tanong nitong nasa tabi ko sa mga kaibigan niya na puro tumatawa.

"Ang hina mo tol! Parang ngayon lang kayo nagkakilala sa lagay na iyan. Hahaha!" natatawang sabi ni Kairo na ikinatawa ko rin pero agad ding napatiklop nang tumingin si James sa aking direksyon.

Nginitian ko na lamang ito at sinagot ang kanyang tanong, "I'm fine now, visible pa rin ang mga pasa ko lalo na sa hita at tuhod pero okay na ang mga sugat ko sa mukha, as you can see."

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now