CHAPTER TWENTY-EIGHT

5K 147 18
                                    

ANGELA'S POV:

"An Alienware Area- 51m, right?" he asked pertaining to the laptops na nasa mahaba at nakacurve na mesa, tumango ako sa sinabi niya.

May dalawang monitor din na nakaconnect sa laptops at dalawa ring CPU.

"You have really high-tech gadgets yet didn't even find your twin?" na-offend ako ng kaonti sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ngayo'y tinignan niya naman at chineck ang 292 inch Samsung tv sa dingding.

"I tried hacking our  empire's database pero wala akong nakuhang kahit na ano." Wika ko rito at naupo sa isang Red DXRacer Gaming Chair.

"Why are you showing me your hidden room?" takang tanong nito sa akin at katulad ko'y umupo rin siya sa isang gaming chair at lumapit sa akin.

Napakurapkurap ako dahil ilang pulgada na lamang ang layo namin at sa tingin ko'y mangyayari ang kanyang gustong mangyari. I composed myself before answering his question.

"These are the only best equipments I can help you with finding my twin, Ja." Sagot ko sa kanya at kasalukuyan pa rin siyang tinitigan ng diretso sa kanyang mga mata.

"You don't actually have to do this things Elise, you don't need to let yourself suffer on finding your twin. I know pati siya'y hindi masisiyahan sa mga pinanggagawa mo, you just don't know how dangerous you are doing and facing."

"Ano naman ang gagawin ko? Tutunganga? My Dad isn't cooperating well with me!" mariin ko siyang tinignan, mas lalo niya namang nilapit ang sarili niya pati na rin ang hintuturo niya sa aking labi.

"Shh, alright just please calm down. I understand..." napapailing ako sa sinabi nito at lalayo na sana sa kanya since may wheels naman itong gaming chair pero agad niyang nahawakan ang armrest ng upuan ko at lalo akong pinalapit sa kanya.

Dahan-dahang nilapit ni James ang kanyang mukha habang nakatuon ang tingin sa aking labi, hindi magkamayaw ang pagtibok ng aking puso't napakuyom din ako sa aking kamao at dahan-dahang napapikit at hinintay ang paglapat ng kanyang labi sa aking labi.

"Wow!" napamulat ako sa aking mga mata at kaagad lumayo kay James nang marinig ang boses ni Liam na ngayo'y namamanghang napatingin sa malawak na tv at sa kabuoan ng kwarto.

Nagkatinginan kami ni James pero agad ding napaiwas ng aming tingin dahil sa kahihiyan, naalala ko na 'di pala nasara ng maayos ang pintuan kaya nakapasok agad itong lalakeng ito ngayon.

"What are you doing here?" masungit na tanong ni James na nakapagpailing sa akin, ramdam ko namang napatingin ito sa akin dahil siguro sa ginawa ko habang ako'y patay malisyang tinignan lang ang namamanghang si Liam.

"Tatawagin ko sana kayo para kumain na at 'di kayo natagpuan sa kwarto mo. Nakita kong nakabukas ito kaunti kaya napasilip ako at—Wow! Sobrang cool dito!" namamangha pa nitong sabi at saka dali-daling umupo sa isa ring gaming chair.

"May kasama ka ba papunta rito?" tanong ko naman sa kanya at nakitang natigilan ito at bigla akong nginitian ng kay laki-laki.

Napabuntong hininga ako't napatingin sa pintuan kung saan nagsi-silipan ang pito naming kaibigan.

"Akala kasi namin kung ano na ang nangyari," napakamot si Bea sa kanyang ulo at pumasok na ng tuluyan.

Nagsipasok din yung iba at napatingin sa kabuoan ng aking hidden room, napaiwas ako ng tingin nang tignan ako ng aking mga kaibigan.

"Ang astig dito, Miss Angela!" komento ni Kairo, pilit akong napangiti sa kanya at tinignan ngayon ang mga kaibigan kong parehong nakakabit ang balikat.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon