CHAPTER TWELVE

5.9K 185 1
                                    

ANGELA'S POV:

Isang buwan na ang nakalipas at kakauwi lang namin dito sa Manila last week, the doctor suggested na magbed rest daw muna ako sa ospital since dapat daw talaga ang pahinga sa kondisyon ko, di sa unang linggo ay di ako nakakagalaw masyado since sumasakit siya paminsan-minsan.

Sa pangalawang linggo ko naman sa ospital ay naglalakad-lakad na ako, sabi ng doktor na around 2 weeks talaga gumagaling yung gunshot wounds sa abdomen but since uuwi pa kami ng manila, dapat daw magstay muna kami sa ospital for another five days para linisin pa ito, obserbaran, para di magkainpeksyon.

I walk 2-3 times per day for the second week at noong pinaextend kami ng 5 days ay nagkaroon na ako ng proper meal like yung mga gusto kong kainin ay pwede ko ng kainin.

Byernes ng gabi noong linggo na yun kami bumyahe pauwi ng Manila, nagkaroon ulit ako ng dalawang araw na pahinga pagkatapos no'n.

Hiningi ko na rin yung mga pinapasagot ng prof namin sa PPG at ginawa agad noong Sabado ring iyon para matapos na.

Lunes na ngayon at sabi ni Dad na susunduin niya raw ako dito sa bahay kaya sinabihan ko na lamang ang apat kong kaibigan na hindi muna ako makakasabay sa kanila ngayon.

Sa katunayan ay nahirapan talaga ako sa binigay na parang module ni Mrs. Perez pero kinaya naman dahil nagresearch ako sa mga hindi ko maintindihan.

Ngayo'y nasa labas na ako at inaabangan ang pagdating ni Dad, nakita ko ang mga kaibigan ko na kakalabas lamang sa bahay nila.

Kumaway sila sa akin at sinabing mauuna na raw sila kasi baka raw makita pa sila ni Dad at kung ano na naman daw ang maisip no'n.

'Di ko naman sila masisisi kasi alam kong kilala na nila si Dad, si Dad na hanggang ngayon walang tiwala sa mga nakakasalamuha ko maliban sa kanila, si Dad na hanggang ngayon ay walang tiwala sa akin, sa sarili niyang anak, si Dad na walang ibang pina-prioritize kundi ang emperyo ng mga Mafia at Gangsters.

Napabalik lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang isang malakas na busina mula sa sasakyan na ngayo'y nakaparada sa harapan ko.

Napatingin ako sa taong nasa loob nang ibinaba nito ang bintana sa backseat at nakita ko naman agad ang mukha ni Dad.

"Halika na, anak. Baka ma-late ka pa." malumanay'ng pag-aya nito, tumango ako at binuksan agad ang pintuan sa backseat at pumasok kaagad. Nagmano ako rito at saka siya nginitian.

"Pasensya na po kung naabala kita, marami ka pa yatang aasikasuhin?" tanong ko rito. Napagalaw naman siya sa puwesto niya at tinitigan ako ng diretso at saka ngumiti.

"Oo marami pero mamaya pa naman ang mga iyon at gusto kong makita ka, anak. Kamusta na? Hindi na ba masakit iyang sugat mo?" tanong ni Dad at napaturo sa may tiyan ko. Oh really, now? Nag-aalala talaga siya?

"Maayos na po ako, iniinom ko naman po yung mga niresita na gamot ng doktor at nililinisan ko po itong sugat ko ng maayos." Sagot ko at itinaas ang blouse ko at pinakita sa kanya ang sugat ko na ngayon ay very visible pa rin ang mga tahi.

Napapatango naman siya. "I've heard about the news regarding the Mayor's son that's from Cebu, noong araw din na iyon noong nabaril ka ay nadakip siya ng mga baril." Biglaan nitong sambit na lihim na nakapagpangisi sa akin.

"Why are you telling me that, Dad? I also have seen the news about that Mayor's son, it serves him right since maling-mali naman talaga ang ginawa niya. Tama naman diba po ako?" napakunot-noo ako noong tanungin ko iyon at sinagot siya ayon sa nalalaman ko at sa mga naibalita sat v na paulit-ulit kong naririnig doon sa ospital.

Napatango-tango ulit ito at saka hinawakan ang mga kamay kong nasa aking hita.

"I just hope that you were not there that time and was hoping that that gunshot was really from the thief that you told me." Seryoso at kalmado nitong saad.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now