CHAPTER THIRTY-THREE

4.1K 107 5
                                    

ANGELA'S POV:

Umaga na at sa tingin ko'y nasa baba na ang lahat at kumakain, napatingin ako sa wall clock at nakumpirmang alas otso na nga.

Napagod yata talaga siguro ako sa byahe kasi kahit napaaga ako sa pagtulog kagabi ay late naman akong nagising.

Bumangon ako at inalala ang maikling kaganapan kagabi, sabay kaming kumain ng step mom ko kahit labag sa loob ko, hindi man lang ako kumibo habang kaharap siya sa pagkain pero minsan ay napapatingin ako sa kanya 'pag nilalagyan niya ng ulam ang plato ko na akala niya'y ikinababait niya.

Hindi na ako tumutol sa ginawa niyang iyon at nagpasalamat na lamang, kahit paano naman ay may kabaitan naman ako at nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kahit papa'no sa pag-aalaga niya kay Dad. 

Dali-dali akong pumunta sa banyo at inayos ang mukha ko at nagmumog na rin. Bago lumabas sa banyo ay napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin at pilit na ngumiti, ang pangit!

Hindi ako kundi ang ngiti ko ngayon, when will I ever get ugly? No exact date, just forever gorgeous.

Lumabas na ako ng kwarto at binati ang mga nakakasalubong kong kasambahay namin, naabutan ko sa hagdan iyong ka-edad kong kasambahay na siyang tumulong sa akin kahapon.

Nginitian ko ito at tinanong, "Uhm, kumain na ba kayo?"

Agad itong napailing at sinuklian ako ng ngiti, "Nasa baba na po sina Ma'am Lori at si Sir, sumabay na po kayo roon, Miss."

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi, "Hindi ba kayo pinapasabay ni Lori 'pag kumakain sila?"

Nag-aalinlangan itong napapailing sa aking tanong kaya napabuntong hininga ako at napatango saka nagpasalamat na rito.

Gusto ko sana silang sumabay sa amin, gustong-gusto ko kaso nga lang maarte itong si Lori at baka kung ano pa ang masabi nito kay Dad at ang kahihinatnan lang ay mag-aaway ulit kami.

Pagkababa na pagkababa ko ay agad kong narinig ang samut-saring tawa na paniguradong nanggagaling sa dining area namin.

Pamilyar ang boses ng isa habang ito'y nakikipagkwentuhan kay Lori at kay Dad, pagkalapit ko ay nanlaki ang aking mga mata pagkakita kung sino iyon.

"Kylie!?" malakas kong bulalas dito kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag namin?"

"Sorry, Gel. Nagdead-batt ang cellphone ko eh at hindi ko na naicharge ang powerbank ko dahil biglaan ang pagpunta namin dito." Pagpapaliwanag nito, lumapit na ako sa aking upuan na katapat ng upuan ni Lori.

"Good morning po," bati ko kay Dad na ngayon ay ibinaba na ang dyaryong hawak at nginitian ako.

"Good morning din, anak. Pinapatawag ko lamang sila rito dahil may importante kaming pag-uusapan." Wika nito at sumimsim sa kanyang kape.

"Pinasama ko na rin si Kylie dear dito since sembreak niyo rin naman," nakangiting wika ni Lori na nakapagpaikot ng aking mga mata sa aking isip-isipan. Ang plastic talaga nito!

Pagkatapos kong magdasal ay kumain na ako, kumuha ako ng dalawang sliced bread, corned beef at itlog saka nagsimula ng kumain.

Minsan ay nakikita kong nagnanakaw ng tingin si Kylie sa akin at tinaasan ko lamang ito ng isa kong kilay.

I'm not mad at her, siguro konti noong hindi ko pa nalaman ang dahilan kung bakit hindi siya nakakapagreply pero ngayon ay maayos naman na.

"How was school?" paninimula ngayon ni Lori, napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon habang umiinom ako ng tubig.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now