CHAPTER TWENTY-SIX

4.7K 134 15
                                    

ANGELA'S POV:

As planned, sabay kaming umuwi kasama sina James at tinanghali na rin kami ng gising kaya sa hapon kami nakauwi.

Natignan na rin naman ni Kylie ang flight informations sa umagang iyon at hindi nga ako nagkakamali, umuwi na talaga sila.

Nasa bahay na ako ngayon at kasalukuyang nakahiga at hawak lamang ang cellphone ko nang bigla itong tumunog kaya agad akong napabalikwas sa aking kinahihigaan at tinignan ang caller. It's Dad.

Napahugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago koi to tuluyang sinagot.

"Hello, Dad? Good evening."

Halos rinig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito, siguro'y kinakabahan ako sa maaaring sabihin niya sa nangyari sa arena.

Alam kong alam niya na ako ang nagdala kay Arturo rito pero ang sa tingin ko'y hindi niya alam na kasabwat ko ang kanyang matalik na kaibigan na si Tito Luke.

"Good evening, iha. How's the battle?" tanong nito sa kabilang linya.

Nice, I think he's pretending that he doesn't know anything.

"It was fine po and I think hindi naman kami ang mananalo." Maikli kong sagot dito na ikinatawa niya.

"What's the matter with the sad tone? Huwag ka mag-alala anak, ikaw ang prinsesa ng emperyo, you don't need to do those things anymore."

You don't understand, Dad. I just wanted to prove to you, to myself and to the people around me lalo na sa mga tauhan ng emperyo na pinaghirapan ko ang narating at mararating ko.

I wanted to say all of this to him pero hindi ko kaya. Naduduwag na naman siguro ulit ako, so pathetic.

"Dad, I'm sorry." Pagsisimula ko na ikinabuntong hininga niya mula sa kabilang linya. "Huwag muna natin iyan pag-usapan." Seryoso nitong wika kaya napadapa ako sa aking higaan habang nasa tenga ko syempre ang aking cellphone.

"Pero Da—" naputol ang dapat kong sasabihin nang sumabat siya.

"Malapit na ang kaarawan mo, are you up for an engrande celebration? Debut mo rin naman iyon, anak."

Napapailing na lamang ako sa narinig mula sa aking ama. "Dad, hindi ko po kailangan ng bonggang celebration, sapat na po na narito ka at kasama ka. Sapat na po sa akin ang kaunting salo-salo." Sagot ko rito.

"I'm sorry anak, hindi nga pala ako makakadalo at hindi kita mapupuntahan dyan sa kaarawan mo. Ipapadala ko na lamang ang regalo ko, hm?" may narinig pa akong kausap niya bago niya sinabi ang mga katagang iyon.

"Busy ka po?" magalang kong tanong dito kahit sa totoo'y nasasaktan ako sa aking narinig.

Oo galit ako sa kanya at pinaghihinalaan ko siya sa ilang bagay pero ama ko pa rin siya, it pained me knowing na hindi siya makagawa ng oras para sa akin kahit para lang sa araw na iyon.

Sobrang tagal na noong kasama ko siya sa kaarawan ko. I'm not a mommy's girl dahil sa totoo lang ay hindi kami close ng tinuturing kong ina.

Ang tinuturing kong ina ang sa tingin ko'y gumagawa ng paraan para hindi mabitaw-bitawan ni Dad ang kanyang trabaho, she's Dad's second wife for pete's sake and ganyan siya kung makaasta!

Hindi ko na lamang sila pinakealaman pa, if she'll also be the reason for Dad's happiness then I won't disagree.

"Oo anak, aayusin namin at pakikiusapan ang mga nasamantala noong nangyari ang pagsalakay. Pasensiya na talaga anak." Napangiti na lamang ako sa sarili at ngayo'y napahiga na ng tuluyan at napatitig sa kisame.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Where stories live. Discover now