Chapter 13

1M 43.5K 28.3K
                                    

Fight

Jay-jay's POV

May sapi talaga tong si Aries. Hindi sinabi sakin na nasa bahay pala si Kuya Angelo. Kaya pala sinundo nya ko sa room. Buti nalang hindi na nagtanung si Kuya.

Papasok na ko sa school at sinabay ulit ako ni Aries sa kotse nya. As usual hindi na naman sya nag-sasalita.

Nakatingin ako sa bintana ng makita ko si Ci-N na naglalakad. Nakapamulsa pa sya at naka-headset.

"IHINTO M----ARAY!" Hindi ko pa nabubuo yung sasabihin ko pero tinapakan na nya yung preno.

Hindi pa naman ako naka-seatbelt kaya nasubsob ako.

"What the fvck?! Kailangan talaga sumisigaw?!" Galit na sita nya sakin.

Buti nalang walang sasakyan na nakasunod samin.

"Dito nalang ako." Sabi ko at bumaba ng kotse.

Hindi ko na hinintay sasabihin nya. Agad akong tumakbo palapit kay Ci-N.

"Hoy Ci-N!" Sabi ko sabay hampas sa braso nya.

Tinignan nya ko ng masama pero agad din syang ngumiti ng makilala ako.

Tinanggal nya yung headset nya. "Good Morning!" Bati nya habang naka-ngiti.

Ngiti na naman?!

Handa na sana kong sigawan at sermunan sya kung bakit hindi sya pumasok pero agad na napunta yung attention ko sa muka nya.

"Hala.. Ci! Bakit puro sugat ang muka mo?" Tanung ko sa kanya.

Sugat ang labi nya na medyo namamaga pa. May maliit na pasa sa gilid ng labi sa right side at sa gilid ng kaliwang mata. May gasgas din sa kaliwang pisngi.

"Anu... Hehe.. tumambling sa bike." Sagot nya sakin habang naghihimas ng batok.

Tumambling?! Seryoso ba sya? Halata nama'ng napa-away sya.

"Talaga lang ah.." yun nalang ang sinagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ganun din ang ginawa nya.

"Kamusta pala sa room?" Tanung nya sakin.

Ayos lang... Mas lalo lang sila'ng na'aning.

"Ganun pa din... Except sa one week na nila kong hindi pinapansin."

"Huh?!"

"I-explain ko para sayo..." Sabi ko at umubo para ihanda ang boses ko. "...Fernandez ang middle name ko." Yun lang ang sinabi ko at hinintay kung makaka-kuha sya ng hint.

Kayalang slow din pala sya.

Explain mo kaya ng maayos Jay.

"Tapos?"

Ay mukang hindi sya aware na Fernandez din si Aries. Anu ba yan?

"Pinsan ko si Aries!" Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Ahh----" bigla syang huminto at nag-isip.

Parang alam ko na yung mangyayari.

"Anu? Iiwas ka na rin? Hindi mo na rin ako papansinin?"

Bigla syang ngumiti. "Syempre hindi ko gagawin yun. Kuwari hindi ako aware sa issue na yan."

Nakakahawa yung ngiti ni Ci-N. Napangiti na rin ako ng di-oras.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa school.

Nakita ko pa si Aries na nakasandal sa kotse nya. Naka-cross arm sya at masama ang tingin sakin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko naman sya masisisi agad akong bumaba sa kotse kanina.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon