Chapter 117

883K 36K 30.2K
                                    

Christmas Party 2.0

Jay-jay's POV

NAWAWALA!!

Ngayon pa talaga! Bakit ngayon pa kailangang mawala? Panu na?

Nawawala yung roasted chicken! Sinong animal naman kaya ang kukuha nun, habang busy kami.

Napaka-takaw nya, isang buong manok yun!

"Roll call nga!" Sigaw ni Eman na halata'ng naiinis na.

"Sigaw nyo pangalan nyo... Yung wala, malamang sya'ng may pakana!" Sabi ni Rory.

"Jay-jay!" Sigaw ko sa pangalan ko.

"Eman!"

"Rory!" Sigaw ni Rory habang nakataas pa ang kamay.

"Edrix!"

"Tss!" Sabi ng Hari ng mga ulupong.

Kelan pa naging 'tss' ang pangalan nya?

Hindi nalang namin pinansin yun at nagpatuloy sa roll call.

"David..." Bored na sabi ni David.

"Denzel."

"Yuri!"

"..." Sabi ni Josh na hindi namin narinig. "..Josh!" Pag-uulit nya.

"Blaaaaster!" Sigaw ni Blaster at may mwestra pa ng pagsabog.

"Calix the pogi with my Mica baby!"

Napangiwi ako sa sinabi nya. Kailangan pa ba yun?

"Felix the cat!"

Bakit nadudugtungan ang pangalan?

"The Amazing Eren!"

"Kit makulit!"

Aba!

"Drew! Barrymore... Hahahaha.."

"Mayo! Junyo! Julyo! Agusto!"

Setyembre! Oktubre----anu ba yan?

Muntik na kong mapakanta. Bwisit kasi tong mga to. Dugtungan daw ba mga pangalan. Pero meron akong hindi narinig sa Roll Call.

"Asan si Ci-N?!" Tanung ko habang tinitignan sila isa-isa.

Pare-pareho silang tumingin sa paligid. Nawawala nga ata talaga ang luko.

Wala sya! Wala ang roasted chicken!

"SI CI-N ANG KUMUHA?!" Sabay sabay na sigaw ng mga luko.

Agad silang nagtakbuhan para hanapin si Ci-N. Merong dumiretso sa kusina, meron tumakbo sa cr at merong lumabas ng resto at dumiretso sa parking.

Pero pare-pareho silang bumalik na bigo sa paghahanap.

Saan naman----"ARAY!"

May kung anung tumama sa binti ko habang nakatayo. Agad kong tinignan yun na nasa sahig na ngayon. Hindi malinaw sakin kaya kinuha ko na rin para makita ng maayos.

Buto ng manok?!

"Anu yan?" Tanung sakin ni Eman.

Hinarap ko sa kanya yung nakita ko. Pareho pa kami'ng nagtinginan at mukang iisa lang kami ng nasa isip.

Agad naming hinawakan ang mantel ng lamesa, sabay pa kami ng paghawi sa dun pataas. Bwala! Bumungad samin ang kumakain na Ci-N sa ilalim ng lamesa.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon