Chapter 62

1M 37.9K 15.5K
                                    

David vs. Kiko

Jay-jay's POV

"Oh! Ilagay mo sa ulo mo!" Galit na utos ni Keifer.

Kinuha ko yung ice bag at nilagay sa ulo ko. Pero kung tutuusin mas masakit yung binti at katawan ko. Nawala kasi sa isip ko na napakataas pala ng pwesto namin.

I believe I can fly!

Tatlong tao ang sumalo sakin. Si Kiko, Keifer st Yuri. Pero kahit ganun, masakit parin yung impact.

"Okay ka lang Jay?" Tanung ni Kiko at inabutan ako ng bottled water.

"Oo... Salamat."

"Wag mo ng uulitin yun, Jay. Tinakot mo kami." Sabi ni Yuri.

"Sorry... Gusto ko lang makaalis sa puder nung Ram."

Nakaalis nga ako, nagkagulo naman. Sumugod kasi agad yung grupo nung Ram na yun. Buti na lang at marami kami----sila pala.

Napatingin ako kay David. Titig na titig kasi sya sakin. Naalala ko bigla yung pinag-awayin nila ni Kiko.

"Uhmmm... Kiko. Pwede ba kitang makausap." Sabi ko.

Nag-smile naman sya at nag-nod. Tinignan ko sila Keifer at Yuri na nag-sasabi na 'iwan muna kami'.

Nakuha naman nila yun at lumakad palayo. Ganun din ang ginawa ni David at iba pa. Nang masiguro kong malayo na sila, dun ko pa lang kinausap si Kiko.

"Kiko-----"

"Kung anu man yung sinabi sayo ni David. Maniwala ka hindi ko intensyon yun." Singit ni Kiko.

Napaisip ako bigla. Bakit defensive? Wala pa, advance masyado.

"Kiko kasi... Didiretsahin na kita. Ayoko munang magpaligaw. Hindi sa ayaw ko sayo o ano. Ayoko pa lang talaga muna. Sana maintindihan mo yun."

Napayuko si Kiko. Napakabilis ko ba? Sumama ata ang loob nya. Grabe! Hindi ko intensyong manakit ng damdamin.

"Naiintindihan ko. Pero hindi kita lalayuan. Andito lang ako lagi para sayo." Sabi nya at nagpilit ng ngiti.

"Salamat Kiko. Pasensya kana."

"Okay lang... Uhmmm... Kailangan ko ng umalis Jay. Hinahanap na ko ng mga kasama ko." sabi nya at tumalikod na para lumakad.

Hahayaan ko na sana syang umalis, pero may bigla akong naalala.

"Kiko! Sandali!" Tawag ko at lumapit sa kanya. "...Pwede bang favor?"

"Anu yun?"

"Wag na sana kayong mag-away ulit ni David. Please lang." Paki-usap ko.

"I can't promise but i'll try." Sagot nya at muling lumakad paalis.

Nang mawala sa paningin ko, agad na lumapit sakin yung mga ulupong. Paniguradong mangungulit tong mga to.

"Anu na? Binasted mo na?" Tanung ni Ci-N.

Tumango ako sa kanya. Masama parin ang tingin sakin ni Keifer. Si Yuri poker face lang.

"Umuwi kana Jay... Madilim na baka mapano kapa." Sabi ni Yuri.

Kinuha ko yung bag ko at pinagpag. Tinignan ko muna silang lahat. Ewan ko, nakakaramdam ako ng inis.

"Ihahatid na kita Jay." Presinta ni David.

"Wag na. Kaya ko." Sagot ko sa kanya at lumakad na paalis.

Kahit hindi ko tignan. Alam kong nakatingin sila sakin. At kahit hindi sya magsalita, alam kong sumusunod sakin si David.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon