Chapter 64

1M 42.1K 50.4K
                                    

Author's Note: Please Read!!!!!!!!!

Alam kong may madi-disappoint dito. Kaya let me explain first. Pinili ko si Jung So Min bilang si Jay-jay dahil hindi sya ganun ka-appealing (Para sakin) kagaya ng description ko kay Jay-jay.

At may something sa tingin nya na nagsasabi ng "problema nito?".

Kung hindi nyo sya bet na maging Jay-jay, you can still imagine a different actor/actress. Oks lang sakin yun!

Nasa dulo po ang kanyang picture⬇⬇⬇

+++++++++++++++++++++++++++++

Father

Jay-jay's POV

"Answer me Jay!" Sigaw ni Kuya Angelo.

"Hindi nga akin yan!" Sagot ko habang umiiyak.

Panu ba naman ako hindi maiiyak. Nung hindi makakuha ng sagot si Aries sakin agad syang tumakbo papunta kay Kuya dala yung pregnancy test na my dalawang guhit na pula.

Punyetang guhit!

"Yan din ang sinasagot ng mga buntis na ayaw umamin." Sabi ni Aries habang naka-cross arm.

"Hindi naman kasi talaga!"

"Sinong tatay nyan?!" Galit na tanung ni Kuya Angelo.

Jusme! Bingi ata tong si Kuya. Sinabi ng hindi nga sakin.

"Wala!" Sagot ko na halos nag-mamakaawa na.

"Jasper Jean Mariano!" Tawag ni Kuya sa buo kong pangalan.

Nanginig ang laman ko sa takot. Ayan na! Baka magbalibag na ng gamit.

"Wala naman kasi talaga! Ayaw nyo lang makinig!"

"Sige, kung hindi sayo tong PT na to. Kanino?" Tanung ni Aries.

Kanino nga ba? Hindi ko naman kilala yung girlfriend ni Denzel at hindi rin ako sure kung yan nga yung hawak nya nung nakita ko sya sa my hagdan.

"S-sa classmate ko."

"Wala kang classmate na babae Jay." Sabi ni Aries na lalong nagpa-usok ng ilong ni Kuya.

"Sabihin mo na kung sinong ama! Wag mong hintaying mapuno ako!" Galit na sabi nya.

Lalu akong naiyak. Gusto pa yata nila lumuhod ako para lang maniwala sila na hindi talaga ako buntis.

"Si Yuri o si Keifer?" Tanung na naman ni Aries.

"Bakit pati si Keifer?" Kuya Angelo turn to Aries and ask.

"They kissed. Malay natin kung higit pa dun ang nagawa nila." Aries answer.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nawala na ang pagitan ng kilay ni Kuya Angelo sa pagsalubong nito.

"Hindi sila! Hellow? Hindi ko sila boyfriend!"

Biglang natahimik sila Kuya sa sinabi ko na para bang meron silang na-realize.

"Si Cyrus ba?" Seryosong tanung ni Aries.

Ayoko sanang marinig ang pangalan nya. Pero nabanggit na ni Aries.

I shoked my head. "H-hindi! Nasa ospital yung tao!"

"Malay naman namin kung matagal nyo ng ginawa at ngayon mo lang napansin." Paliwanag ni Kuya.

Sumakit ang ulo ko sa sinabi nya. Naiintindihan ko yung part na 'medyo wala silang tiwala', pero sobra-sobra naman na ata yun.

"Gusto nyo malaman ang totoo? Tara sa doctor." Aya ko sa kanila.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon