Chapter 91

1M 38.3K 23.6K
                                    

Exam 2.0

Jay-jay's POV

Yung late mo na nalaman na Exam na pala kinabukasan. Tapos meron ka nalang ilang oras para mag-review then sesermunan kapa ni Kuya Angelo.

Hayahay ang buhay!

Late na nga ako nakatulog tapos maaga pa ko ginising. Alam pala kasi ni Kuya na may exam kami ngayon kaya ginising nya ko.

Pagdating sa dining para mag-almusal andun na si Aries at tahimik na kumakain. Nakatitig sya sa lamesa habang ngumunguya.

"Kumain kana Jay." Utos ni Kuya habang nagbabasa ng dyaryo.

Umupo ako at kumuha ng pagkain. Hindi ko maiwasan na hindi tignan yung muka ni Aries. Kahit kasi nakayuko sya nakikita ko yung mga pasa nya sa muka.

"Nakipag-away kaba?" Tanung ko.

Hindi nya ko pinansin. Patuloy pa rin sya sa pagkain.

"Yan ang napapala ng hindi nagpapa-alam na pupunta ng Party. Naiipit sa nag-aaway." Parinig ni Kuya.

Ha? Nagpunta din si Aries sa party at nakisali sa away? Hindi yata nasabi sakin nila Yuri yun.

Ewan! Baka nakisuntok suntok din sya sa mga tao dun. Kumain nalang ako ng almusal, hindi pa ko natatapos ng biglang tumayo si Aries at nagpaalam kay Kuya.

Hindi man lang nya ko tinignan.

May topak na naman!

"Jay... Exam nyo ngayon, i'm expecting the same grade that you had before." Sabi ni Kuya.

Ay lagot! Hindi naman ako yung nagsagot nung nakaraang exam ko. Ang taas ng nakuha ko dun, hindi naman ako ganun katalino para makakuha ng ganung grade ulit.

Pasagutan ko nalang kaya ulit kay Keifer?

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ko kay Kuya at lumakad paalis. Pagdating sa kanto namin, nakita ko si Kuya'ng Blue eye's-----Percy nga pala!

Pero bigla syang sumakay ng kotse at humarurot paalis. Sinubukan ko pa syang habulin.

"Percy! Sandali!" Sigaw ko pero mabilis na syang nawala.

Kainis!

Marami akong gustong itanung sa kanya. Ngayon pa talaga naisipang makipaglaro ng habulan.

Ang nakakainis pa nito, hinanap ko sya sa facebook, instagram at twitter pero wala! Ang pag-asa ko nalang talaga na makausap sya, kapag nagpakita ulit sya sakin.

Naglakad nalang ako papunta ng school.

Pagpasok ng gate, yung pakiramdam na pinagtitinginan ka at pagbubulungan. Nanainga ako kayalang hindi ko marinig yung bulungan nila.

Dumiretso nalang ako sa room at as usual bumungad ang pagmumuka ni Ci-N.

"Good Morning!" Masigla nyang bati.

"Good Morning din!" Sagot ko at umupo na sa pwesto ko.

Nilabas ko yung notes ko at pilit nag-review. Kahit kaunti man lang may maisagot ako. Ang problema nga lang walang pumapasok sa isip ko.

Napadukdok ako at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kawalan.

"Walang pumapasok sa isip ko!" Sabi ko at narinig kong tumawa si Ci-N.

"Gusto mo pakopyahin kita?" Alok nya sakin.

Pakopyahin? Eh plakda din kaya ang grade nya nung unang exam. Iniisip ko nga kung accelerated ba talaga sya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon