Chapter 116

879K 35.9K 22.2K
                                    

Christmas Party

Jay-jay's POV

"🎶...I saw Mommy kissing Santa Claus... Underneath the mistletoe last night...🎶"

Hindi ko alam kung anung iindahin ko. Yung sakit ng katawan ko o yung sakit ng tenga ko.

Alam ko namang plakda yung boses ko kaya hindi ako kumakanta pero ito'ng bata na to, hindi ata aware na parang niyuyuping yero yung boses nya.

"Ang galing mo Ci-N!"

"Idol!"

"Sige lang Ci!"

Pagchi-cheer ng mga luko kay Ci-N. Obvious naman na kinukunsinti lang nila tong isa.

Sumasakit na yung ulo ko sa pangit ng boses nya. Grabe na kung grabe! Pero kingina kasi. Napatakip nalang ako ng tenga.

Bakit ba kasi may videoke pa?

May nagbaba ng pagkain sa harap ko. Bahagya kong tinaas ang ulo ko para makita kung sino yun.

"Merry Christmas..." Bati sakin ni David sabay tulak ng plato ng pagkain.

"Merry Christmas din..." Balik kong bati sa kanya.

Kumuha ako ng pagkain sa binigay nya. Kahit masakit ang katawan ko, gusto ko pa ring ma-enjoy tong party na to.

"Ready mo naba yung regalo mo?" Tanung sakin ni David.

Nag-nod naman ako. Meron kasi kami'ng munito-munita. Dahil ako lang ang babae, nagkagulo sila.

Hindi kasi pangalan ang nilagay namin sa papel na bubunutin. Code name lang tapos bahala na kami kung ano ireregalo basta pasok sa theme.

Something Naughty daw.

Feeling ko kamanyakan lang yung something naughty na yun. Nakisama nalang ako kesa naman masira yung Party nila.

Hindi nga lang ako sure kung sino yung nabunot ko. Basta alam ko lalaki, kasi nga ako lang yung babae.

Sino kaya tong Bluetooth na to? Magpapangalan nalang muka'n tanga pa. Kung sino man to, maganda regalo ko sa kanya. Something naughty talaga!

"Maraming salamat sa performance ni Ci-N!" Bigla'ng sabi ni Rory sa mic kaya nagtinginan kami sa kanya.

Nagpalakpakan ang mga luko at may kasama pang sipol.

"Simulan na natin ang party!" Sigaw ni Rory.

Sinundan na naman ng hiyawan ng mga luko. Gustohin ko mang makisigaw, ayaw makisama ng katawan ko. Bakit ba kasi ngayon pa nila ko naisipang abangan sa kanto?

"Simulan natin sa palaro! At syempre ang mananalo ay may katumbas na price!" Paliwanag ni Rory at luminga sa paligid. "...asan si Santa na magbibigay ng premyo?"

Speaking of Santa, ayun at may hawak na bote ng alak. Kasama pa nya si Yuri na wala rin tigil sa pagtungga ng alak.

Napilitang tumayo si Keifer at lumapit kay Rory. Hawak pa nya yung isang bote ng alak sa kamay nya.

"Okay okay... Ready na lahat! Simulan natin sa Stop Dance na my twist!"

Anu daw?!

"...Lahat kasali! Maliban kay Jay-jay at Mica!" Dagdag ni Rory dahilan para madami ang magreklamo.

"Ang daya naman nun!"

"Bakit ganun?"

"Di na ko sasali!"

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon