Chapter 19

1M 39.8K 13.5K
                                    

Punish

Jay-jay's POV

Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanila.

"Lumabas ka dito!" Sigaw nung pinaka-maarte at mukang leader sa kanila.

"Ang kapal ng muka mo!" Sabi naman nung sunod na maarte.

"How dare you?!" Galit na sabi nung huli sa maarte.

Kulang sila. Wala yung naiiba. Apat sila kanina tatlo nalang ngayon. Kala naman nila lalabas ako.

"Pasukin nyo nalang kaya..." Suggestion ni Kit.

Yari talaga sakin to!

"Eeww.. No way! Your room is full of dirt and bacteria." Sagot nung leader.

Kaya pala pinapalabas akong pilit. Ayoko nga, bakit ako---

May humawak sa braso ko at pilit akong kinaladkad palabas.

"Harapin mo yung gulo'ng pinasok mo." Sabi ni Keifer.

Dire-diretso kami sa labas kaya naman lumapad ang ngiti nung tatlong coloring book.

"You! You're so makapal!" Sabi nung leader nila habang naniningkit yung mata sakin.

"Kailangan nyo yun... Para sa mga muka nyo." Sabi ko na parang nag-aalala talaga para sa kanila.

Dinig ko yung tawa ni Kit na pinilit nyang itinatago. Mabilis syang nakakuha ng matalim na titig galing sa tatlo.

"You come with us!" Sabi ulit nung leader at hinawakan ako sa braso.

Ang higpit ng hawak nya feeling ko bumabaon yung kuko nya. Kasalanan to ni Keifer. Sana hinayaan nalang nya ko sa loob.

"Aray! Masakit!" Reklamo ko habang nagpupumiglas.

"Mas lalo kang masasaktan mamaya!" Sabi nung sunod na pinaka-maarte.

Napalingon ako sa likod at nakitang sumusunod ang Section E. Aba! Mukang balak pa nila manuod sa gagawing eksena ng mga coloring book sakin.

Huminto kami sa harap nila Aries. Hala! Lagot!

Pilit kong inalis yung kamay nung leader ng coloring book sa braso ko pero lalo nila hinihigpitan at bumabaon talaga yung kuko nya.

Masakit!

"Classmates!" Panimula nung Leader na umagaw ng atensyon ng lahat.

Nakatingin na sila samin. Masama na rin ang tingin sakin ni Aries. Lumingon ako sa likod at nakita kong nanunuod nga talaga ang Section E.

Lagot ka Jay!

"Etong babae na to!" Sabi nung leader ng coloring book habang nakaturo sakin. "..Binastos kami sa loob ng CR. Ako! Ako si Freya Hindalgo! Nilapastangan nitong babae na to!" Bigla nya kong dinuro sa ulo. Halos mabali yung leeg ko at feeling ko bumaon yung kuko nya sa anit ko.

"Aray ah!" Reklamo ko sa kanya habang nakahawak sa ulo ko.

"Bagay lang sayo yan! Hindi mo kami ginalang!" Sigaw nung ikalawa sa pinaka-maarte.

Ikaw na ngayon si Canvas-1!

"Oo nga... Hindi mo ba kami kilala?" Dagdag nung huli sa pinaka-maarte.

Ikaw si Canvas-2!

Tadtad kasi ng make-up yung muka. Daig pa painting sa museum.

Umarte akong parang nag-iisip kahit ang totoo hindi naman talaga.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon