Chapter 105

903K 36K 24.7K
                                    

University Visit

Jay-jay's POV

"Attendance! Wag kakalimutang pumirma sa attendance!" Sigaw ni Eman habang winawagayway ang papel na hawak.

Nagkakagulo kami. University Visit na kasi pero dinaig pa namin ang nag-outing sa dami ng dala naming pagkain.

"Ayusin nyo yung mga uniform nyo!" Sigaw ni Edrix.

Tinignan ko naman ang sarili ko. Kagaya dati, maayos pa rin ang pagkakasuot ng tie at blouse ko, hindi din ganun kaikli palda ko.

"Jay... Panu ba to?" Tanung ni Ci-N habang sinusubukang ayusin ang necktie nya.

"Akin na nga!" Sabi ko at inayos yun para sa kanya.

Hindi kasi nila inaayos ang mga uniporme nila kapag papasok ng school. Basta masabi lang naka-polo, okay na sa kanila.

"Yan! Okay na!"

"Salamat Jay!" Sabi ni Ci-N.

Lumapit sakin sila Blaster, Eren at Josh. Hawak-hawak din nila yung mga necktie nila.

(--_--)

"Kami din..." Paki-usap ni Blaster.

Sibangot ako'ng kinuha ang tie sa kamay nya. Sinabit ko yun sa leeg nya at sinimulang ayusin.

Buti nalang talaga tinuruan ako ni Tita Gema nung unang araw ko dito sa school.

Natapos ako kay Blaster at tinulungan ko din sila Josh at Eren.

"Salamat." Sabi nila.

Kinuha ko na yung bag ko at akmang isasakbit na ng makita ko si Yuri. Hindi kasi naka-ayos ang kwelyo ng damit nya kahit maayos naman ang necktie nya.

Lumapit ako sa kanya at agad na hinawakan ang kwelyo nya.

"B-bakit?" Tanung sakin ni Yuri.

"Yung kwelyo mo... Wala sa ayos." Sagot ko habang inaayos yun.

"Salamat..."

Ngumiti lang ako bilang sagot. Natapos ako sa kanya at umikot na para maglakad palapit sa bag ko pero isang kamay na may hawak na tie ang bumungad sakin.

Napataas ang isang kilay ko.

"Hindi ako marunong." Sabi ni Keifer habang pilit umiiwas ng tingin.

"Apat na taong kang nag-aral dito hangang ngayon hindi mo pa rin alam isuot ng maayos." Sermon ko sa kanya.

"Daming sinabi! Sabihin mo kung ayaw mo!" Inis na sagot nya sakin.

Inirapan ko nalang sya sabay kuha ng necktie sa kamay nya. Tinaas ko yung kwelyo ng polo nya. Pina-ikot ko sa leeg nya at inayos.

Isagad ko kaya to ng masakal sya?

Habang inaayos yun, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Muka kasi kaming mag-asa-----La! Bakit iniisip ko yun?

"Aw!" Sigaw ni Keifer.

Aksidente kong nasagad yung necktie. Nagulat kasi ako dun sa pumasok sa isip ko kanina.

Bahagya kong binatak yun. "Sorry..."

"Gusto mo na ba kong mamatay?!" Inis nya'ng tanung sakin.

Nag-smile lang ako sabay peace sign.

"Tss."

Nagalit na. Hindi ko naman sadya. Naglakad na sya paalis kaya naman kinuha ko na yung bag ko at sumunod sa kanila.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon