Chapter 108

883K 36.1K 24.2K
                                    

Question and Answer

Jay-jay's POV

"Question #1!" Sabi nya at tinignan ako. "...Where is your Mom?"

Ayoko sana'ng sagutin pero ayoko ding uminom.

"N-nasa bago nya'ng asawa."

Wala syang reaksyon o expression sa sinagot ko.

"Your turn." Sabi ulit nya.

Marami akong tanung sa kanya, hindi ko nga lang alam kung anu yung uunahin ko.

"May chance pa bang magka-ayos kayo ni Aries?"

Hindi sya sumagot. Agad nya'ng kinuha yung baso at uminom.

"My turn..." Sabi nya. "...May chance pa bang magka-ayos kayo ni Aries?" Balik nyang tanung sakin.

Meron nga ba?

Hindi ko alam ang sagot at ang unfair din sakin kung sasagot ako sa kapareho'ng tanung na binato ko sa kanya.

Kinuha ko yung baso at tinungga. Putik! Ang sakit sa lalamunan! Gumuguhit hangang dibdib. Anu bang alak to?

"Ako naman..." Sabi ko. "...Anu'ng meron sa earing mo?"

Sandali nyang hinawakan yung hikaw nya bago sumagot.

"It was belong to my Mom."

Gusto ko pa sanang magtanung pero sya naman dapat muna.

"I remember the incident with Ram. How is that happen?"

Ayoko ng tanung na yan.

Hindi ako sumagot kaya naman sinalinan ko yung baso at tinungga yung laman.

"Kelan mo pa sinuot yung hikaw na yan?" Tanung ko.

"Nung akala naming namatay si Percy. I have no one to comfort me. So i went to her room and i saw this earings. Pakiramdam ko kasama ko sya nung kinuha ko to. So i choose to wear it." Paliwanag nya.

Yung ramdam mong masakit pero masaya. Ganun sya, masakit na pag-usapan yung Mom nya pero at the same time masaya sya.

"Ikaw... What's with your father?" Tanung nya.

"H-hindi ko sya nakasama... Sa picture ko lang sya nakita. Sabi lang nila Lola, galit si Mama kay Papa kaya inilayo ako. Tapos nun, wala na kong alam sa kanya. Hangang sa nakita natin sya kahapon." Sagot ko at nagpilit ng ngiti.

Sinagot nya yung tanung ko sa Nanay nya, anu naman kung sagutin ko yung tungkol sa Papa ko.

"Nasan yung kapares ng hikaw?"

Tumingin sya sa malayo at parang nag-isip. Pakiramdam ko nawala nya pero sabi nya sa Nanay nya yun kaya ibig sabihin mahalaga sa kanya.

"Naibigay ko sa maling tao."

Kay Ella ba?

Gusto kong itanung yun. Pero ayaw na ayaw nyang pinag-uusapan si Ella. Para'ng triger yung pangalan nya at nagiging halimaw ang isang to sa galit.

"You... Anu yung totoong reason ng away nyo ni Aries?"

Tinignan ko yung baso ng alak. Ayoko ng uminom. Sobrang sakit sa lalamunan pero hindi ko alam yung isasagot sa tanung nya.

Napilitan akong kuhanin yung baso at inumin yung laman.

Tengene! Sakit!

"Ikaw naman... Sino yung pinag-bigyan mo ng kapares?"

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon