Chapter 32

1M 41.2K 12.8K
                                    

Mica & Calix

Jay-jay's POV

"Sorry Jay.."

"Okay lang Mica..."

"Sorry talaga..."

Aaarrrggghhhh... Pauli-ulit! Unlimited?! Kung may bayad lang ang bawat sorry ni Mica sakin nakabili na ko bagong sapatos. Baka meron pa kong pangload isa'ng buwan.

Wala naman sya kasalanan. Si Keifer kumag talaga dapat sisihin dito. Hindi talaga sya pumayag na mag-stay si Mica sa room. Akala mo sya may-ari ng building.

Ending? Naglalakad kami ngayon ni Mica, pauwi sa kanila.

Hindi kasi ako pumayag na iwan sya. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Buti sana kung marunong sya ng self defense.

Hindi na ko nakapasok. Absent ang lola nyo.

"Tingin mo sumusunod pa rin sila?" Bulong sakin ni Mica.

"Hindi ko alam..." Sagot ko.

Pasimple ako'ng lumingon sa likod namin. Alam kong sumunod samin si Calix, dahil syempre kay Mica. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit pati si Ci-N at David sumama sa kanya.

Nakikita ko pa rin sila na busy kuwari sa paghahanap ng Pokemon. -_-

Sa itsura ni Calix, alam kong nag-aalala pa sya para kay Mica. Bigla ko tuloy naisip yung love letter na nakuha sa second floor ng building namin.

"Mica... Okay lang ba kung magtanung ako, tungkol sa inyo ni Calix?" Tanung ko sa kanya.

Tinignan muna nya ko na para'ng nag-isip bago nag-pilit ng ngiti. "Okay lang.. "

"Anu ba talaga'ng nangyari sa inyo?"

+++++++++++++++++++++++++++++

Calix's POV

Naiinis ako sa sarili ko. Ang lapit lang nya pero parang sobrang layo. Gusto'ng gusto ko sya'ng yakapin at halikan. Hawakan ang kamay at hagkan.

Pero malabong mangyari yun. Ayaw na nya sakin. She hate's me. She don't want me. I know she still love's me but she choose to stay away from me. Sobra ako'ng nagsisi sa mga ginawa ko sa kanya dati. Kung sana hindi ko sya sinaktan, hindi to mangyayari.

Kung pwede ko lang ibalik yung oras. Dapat nung araw palang na natanggap ko ang sulat nya, pinahalagahan ko na.

*Flashback...*

"Pare! Another love letter..." Felix said handling another love letter.

It's so annoying! Oo na... Alam ko gwapo ako pero hindi love letter ang kailangan ko.

"Tsk! Tapon mo!" Utos ko sa kanya.

Tinignan ako ng masama ni Felix. "Hindi mo ko utusan! Tapon mo mag-isa mo!"

Binato nya sakin yung Love letter. Problema nito? May PMS ata.

Kinuha ko yung love letter at tinapon sa labas. Muka namang basurahan yung harap ng room namin kaya okay lang yan.

"Kaya ang kalat sa harap ng room natin eh." Reklamo ni Ella habang umi-iling.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ang ganda talaga ni Ella, kung sana naging akin lang sya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon