Chapter 52

1M 40.7K 18.4K
                                    

Truth

Jay-jay's POV

Badtrip! Hindi ko magamit yung bike ko. Akala ko walang diperensya nung tumumba kami sa bike. Pero nakita ni Tito Julz na may mali daw.

Ayun! Kalas kalas kapag may time. Naglalakad lang ako ngayon papasok. Tulog pa si Aries, sure akong pipilitin ni Tito or ni Kuya na isabay ako sa kanya.

Parang ayoko ata!

Ayokong sumabay sa kanya at ayoko ring pumasok. Kasi nagsasawa ako sa mga bulungan ng mga istudyante, halata namang pinaparinig. Kagaya ngayon.

"Grabe! Kapal!"

"Yung bag nyo Guys"

"Magna!"

Inirapan ko nalang sila. Wala ako sa mood ngayon. Hindi ako pinatulog ng mga pinagsasabi nila Kambal sakin.

Pagdating sa room. Walang tao?! Asan yung mga ulupong? Andito yung bag nung iba pero wala naman sila.

Binaba ko sandali yung bag ko at lumabas. Nakiramdama ako, sa hindi kalayuan may naririnig akong mga kalalakihan.

Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko sila yun, kaya pumunta ako sa kabilang side ng building. Yung part na hindi namin nadadaanan.

Hindi nga ako nagkamali. Nasa likod sila ng puno at nagkakagulo. Meron din akong naririnig na boses ng babae. Lumapit ako para maki-usyoso.

"Anung meron?" Tanung ko sa isa sa kanila.

Parang nagulat tong kaharap ko na makita ako at pilit tinakpan yung nangyayari sa gitna.

"Ikaw pala Jay... A-ang aga mo ata." Sagot sakin ng pinagtanungan ko.

Hm?

Denzel ata pangalan nito. Next time talaga ililista ko na mga pangalan nila.

"Anu bang nangyayari dyan?" Pilit kong sinilip yung nasa likod nya. Pero panay nyang tinatakpan. "..Sasapakin kita." Banta ko.

Hindi pa rin sya nagpatinag.

"TAMA NA!" sigaw ng kung sinong babae.

Kinabahan ako bigla. Feeling ko may sinasaktan na babae sa gitna. Agad kong tinulak 'tong kaharap ko at nakipagsiksikan para makarating sa kinaroroonan ng boses.

Pero hindi sinasaktan na babae ang naabutan ko.

Si Ci-N meron syang binabanatan na lalaki. Hindi ko na makilala dahil sa dugo at pamamaga ng muka nung lalaki. Yung babaeng sumisigaw ng 'Tama na', walang iba kundi si Imelda Maldita. Hawak sya nila Kit at pilit pinipigilan.

"Ci! Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko na nagpatigil kay Ci-N at iba pa.

Hindi makasagot si Ci-N. Patingin-tingin sa mga kasama nya na parang nanghihingi ng tulong.

"Pinapa-amin sila." Bored na sagot ni Keifer habang naka-cross arm at nakasandal sa puno.

Sila?

Tinignan kong mabuti yung lalaking knock out na dahil sa panununtok ni Ci-N. Eto yung boyfriend ni Imelda Maldita. Yung panis!

"Paaminin saan?"

"Sa ginawa nila kay Ci-N." Sagot ulit ni Keifer.

"Wala nga kaming aaminin! Tigilan nyo na yung boyfriend ko!" Umiiyak na sabi ni Imelda.

Kahit naiinis ako sa kanya at gusto ko syang sampalin, nakaramdam parin ako ng awa.

Muling sinuntok ni Ci-N yung lalaki. Tumatalsik na yung dugo nito sa kung saan. Hindi na rin maidilat ang mata dahil sa pamamaga.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon