Chapter 100

1M 36.3K 12.4K
                                    

⚠Read my Notes Below⚠

Underground

Jay-jay's POV

"Salamat Jay! Papalitan ko to agad! Promise!" Sabi ni Drew sakin.

"Palitan mo nalang kapag kaya mo na." Sagot ko sa kanya.

Ibinigay ko na kasi yung perang hinihiram nya. Kagaya nga ng inaasahan ko, naubos ang lahi ko. Allowance nalang for this week ang natitira sakin. Buti sana kung maagang ibigay ni Kuya yung allowance ko for next month.

Umalis na si Drew at nagpaalam. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero hinayaan ko na. Baka dalin na nya sa paggagamitan nya yung pera.

Pumunta na ko sa room at lumapit sa pwesto ko. Agad akong nagtaka, nawawala kasi yung upuan ko. Napalitan ng ibang bangko.

Alam ko, may palatandaan ako. Yung piraso ng palda ko na dumikit sa bangko.

"Nasan yung bangko ko?" Tanung ko kay David.

Hindi sya nagsalita pero tinuro nya yung pwesto ni Keifer sa likod. Lumapit ako dun at tinignan. Yung bangko ko na yung nakalagay sa dating bangko ng Hari.

"Bakit andito to?" Tanung ko kay Yuri na nagbabasa ng notes nya.

"Hindi ko alam.. andyan na yan pagdating ko." Sagot nya sakin.

Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko maintindihan yung trip ng mga ulupong na to at pati trono ko pinakikialaman nila.

Bigla nalang may bumunggo sakin mula sa likod. Muntik na kong masubsob. Agad kong tinignan ng masama yung animal na may gawa nun.

Sino paba? Yung kumag na Hari ng mga ulupong.

"Aray ah!"

"Laki mong harang sa daan." Sagot nya sakin.

Akala ko uupo sya sa dati nyang pwesto pero naupo sya sa tabi nun. Kagaya ng naging pwesto namin kahapon.

"Simula ngayon dyan kana uupo." Sabi ni Keifer at sabay kaming napatingin ni Yuri sa kanya. "..What?!"

"Sino na namang impakto ang sumapi sayo at naisipan mo yan?!" Inis na tanung ko sa kanya.

"No one! Sit down now." Utos nya.

Napangiwi nalang ako sa pinag-gagagawa nitong Abnormal na to. Binaba ko nalang yung bag ko at ayokong makipag-talo.

Tinignan ko muna sila Ci-N na busy sa pakikipaglaro kila Eren. Sandali akong napatingin kay Mayo----yung classmate naming ninja.

Para kasing nabagsakan ng langit. Sibangot na sibangot at masama ang tingin kila Kit at Josh. Baka nag-away sila.

Dumating na si Sir Alvin kaya bumalik na ko sa pwesto ko----sa bago kong pwesto. Nag-umpisa ng magturo si Sir.

May pagkakataon na napapatingin ako kay Keifer. Baka kasi matulog ulit sya. Pero syempre mukang nadala na ang luko. Gising na gising at masama ang tingin sakin.

Kala mo naman inaano sya...

Sa totoo lang nabo-bored ako dito sa pwesto na to. Dun kasi, pasimple kaming nagkakasatan ni Ci-N tapos pagt-tripan namin si David.

Dito, bukod sa pinapatay ako sa titig ni Keifer at ayaw magpa-istorbo ni Yuri sa pag-aaral.

Sya na masipag!

Wala akong choice kundi makinig kay Sir Alvin.

"Asan si Drew?" Biglang tanung ni Sir.

Tinignan ko yung mga ulupong. Wala nga si Drew, akala ko bumalik na sya bago dumating si Sir.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon