Chapter 120

923K 36.5K 31.5K
                                    

Author's Note: sinubukan ko lang yung free wifi sa terminal... Hahahaha ang bilis!

Merry Christmas! 🎄🎄🎁☃❄🎂

Christmas Party 5.0

Jay-jay's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakatapat sa muka ko. Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko binibiyak. Ito ang napapala ng humabol pa ng second party pagkatapos nung christmas party namin.

Sila naman may kasalanan nito. Akala ko tapos na yung party pero ng sabihin nila na meron pa, sumama naman ako.

Gusto ko din kasi!

Nagpunta kami sa bahay nila Keifer at dun tinuloy yung kasiyahan. Buti nalang at umuwi na si Blaster dahil gising pa si Keigan pag-dating namin.

Naririnig ko yung phone ko. May tumatawag sakin at malakas ang kutob kong si Kuya yun. Patay!

Hindi ko na kasi kaya'ng umuwi kagabi kaya nagtext ako sa kanya na hindi ako makaka-uwi. Hindi ko na hinintay ang reply nya dahil natulog na ko.

Speaking of natulog, na kaninong kwarto nga ulit ako? Niligid ko yung paningin ko sa buong kwarto. Hindi na to yung kaparehong kwarto na nakita ko dati.

May disenyo na at gamit kagaya ng computer at laptop sa study table. Meron ding gitara kagaya nung nakita ko sa kwarto ni Yuri. Hindi ko makita na maayos yung iba dahil sa panlalabo ng mata ko.

Sa totoo lang gusto ko pang matulog. Inaantok pa ko at gusto ko ring ipahinga yung ulo ko. Umikot ako para maiwasan yung sinag ng araw.

Na sana pala hindi ko ginawa!

K-k-keifer?

Nakatapat ang muka ko sa kanya. Nakapikit sya at tulog na tulog. Mygudness! Kung andito sya at nandito ako at magkatabi kami....Hindi kaya?---aaarrggghhh!

Agad akong sinilip yung sarili ko sa ilalim ng kumot. May damit ako at kumpleto. Pero pinakiramdam ko din yung sarili ko kung may masakit sakin.

Headache lang... Yun lang!

Dahan-dahan akong kumilos at akmang tatayo na ng bigla nalang may kamay na pumalupot sakin at dire-diretso akong napahiga.

Buti sana kung yun lang ang ginawa nya. Pero siniksik din nya yung sarili nya sakin at....pvtnam! May matigas na bagay na tumatama sa tagiliran ko.

Wag naman sana! Mahabaging langit!

Eto pang malupit. Nararamdaman ko yung init ng katawan nya. Mukang walang pang-itaas ang luko.

Bakit ba ko napunta dito? Tengene naman!

Natigilan ako bigla, parang naalala ko na kung panu ako napunta dito.

*Flashback...*

"🎶Merry christmas and a happy holiday... *Hiccup*" Kanta ko.

"Stop singing." Utos ni Keifer habang inaalalayan ako.

Tinignan ko sya ng masama. "Bakit? Magan-da naman boyshes ko ah?"

"Tss."

Bigla nalang ako'ng natawa ng walang dahilan. Ang lakas kasi mang-inis ng tss. Minsan hahatakin ko na talaga dila nya.

"Tss." Pang-gagaya ko sa kanya. "...Tssssssss....."

"Stop it! You sound like a snake."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon