Chapter 125.03

1.1M 38.4K 44.9K
                                    

New Year, New hmmm

Jay-jay's POV

Panu ako magsasalita? Panu ako sasagot sa tanung nya? Hindi pa man din bumubuka yung bibig ko para magsalita, nakadikit na yung labi nya sa labi ko.

Sinubukan kong pumalag pero hinawakan nya yung dalawang kamay ko at dinikit sa pader ng elevator. Iniwas ko yung muka ko pero sumusunod lang sya.

Hindi ko alam kung ganu na kami katagal na ganun. Huminto sya para maghabol ng hangin at kinuha ko yung pagkakataon na yun.

"KEIFER! BITIWAN MO KO!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Then answer my question." Mapang-asar nyang sagot sakin.

Sobrang lapit nya, amoy na amoy ko yung alak sa hininga nya. Hindi ko alam kung lasing na sya o anu.

"Panu ako sasagot kung----"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nakadikit na naman yung labi nya sa labi ko.

Tongono nomon!

Humiwalay ulit sya at tinignan ako ng may halong pang-aasar.

"Next time, don't put lip gloss. It's tempting me to kiss you." Sabi nya at nag-smirk.

Okay, lasing na sya. Lasing na talaga sya!

"TANG'NA KEIFER!" Sigaw ako at mas lalong lumapad ang ngiti nya.

"Profanity!"

Putik naman!

Hahalikan na naman sana nya ko ulit ng bigla'ng tumunog yung bell ng elevator. Binitiwan nya ko pero nakaharap pa rin sya sakin at nakasiksik kami sa sulok.

Bumukas yung pinto ng elevator at tuloy-tuloy na pumasok yung mga tao. Sa dami nila, nagmuka kaming sardinas sa loob. Nakita ko pa si Yuri kaya agad akong nagtago.

Pilit akong sinisiksik nitong Hari ng mga Ulupong kaya tinignan ko sya ng masama. Napahawak na sya sa pader ng elevator sa kawalan ng balanse dahil sa mga tao.

"Excited na ko sa fireworks." Dinig kong sabi ng isa sa kasama namin sa elevator.

Fireworks?!

Pakshit! Anung oras na ba?! Inabot na kami ng new year dito sa elevator. Pisti kasi tong impakto'ng kumag na to!

"You owe me a kiss." Bulong ni Keifer na nagbigay ng kilabot sakin.

Ang ending may utang pa kong halik sa kanya. Langya! Kahiya naman sa ginawa nya sakin.

Bumukas yung pinto ng elevator. Bigla nalang naglakad si Keifer palabas kasabay ng mga tao.

Naiwan akong nakatanga sa sulok ng elevator. Napasandal nalang ako sa panghihina.

Nakaka-gago naman kasi!

"Jay-jay?" Tawag ng kung sino.

Napa-diretso ako ng tayo. Inayos ko din yung damit ko.

"Andyan ka lang pala... Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi sakin ni Yuri.

Naglakad ako palapit sa kanya. Dun ko lang napansin na nasa rooftop pala kami. Halos katabi lang ng mismong bahay nila Yuri na nasa rooftop din. Mababa lang yung mismong kinalalagyan namin kesa sa pwesto ng bahay nila.

"N-nakita ko kasing nagpunta dito yung mga tao kaya sumunod na ako." Palusot ko.

"Ahh.. buti naman. Kasi andito na rin sila Kuya mo." Sabi nya sabay turo sa pwesto nila Kuya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon