Chapter 53

1M 42.7K 21.5K
                                    

Payback

Jay-jay's POV

Boring!!!!!!!!!!! Nakakabored! Sobrang nakakabored! Wala kaming teacher. Nawalan na ata ng ganang magturo sa section namin.

Mga wala kasing saysay tong mga ulupong na to.

Ang mean ko naman!

Charot lang yun syempre. Pero tatlong teacher na yung hindi sumusulpot sa klase namin.

"May meeting daw ba?" Tanung ko kay David na naglalaro sa phone nya.

"Sabi meron..." Bored nyang sagot.

Hanu ba yan?

Parang mainam pa yata kapag may problema kaming kinakaharap. Kasi busy kami at hindi mapakali sa gagawin.

Joke lang!!!

Gusto ko namang magpahinga sa mga problema na yan. Hindi pa ko nakaka-abot ng second exam kung anu-anu na yung hinarap namin.

Dapat ding malinis ang isip ko. Meron din akong problema sa bahay. Bago kasi umalis sila Lola. Nilinaw nya sakin yung mga pinag-sasabi nila Kambal.

Nagising na nga daw si 'Ex-BF'. Pero hindi pa rin daw nakaka-recover. Hindi nga daw makapag-salita ng maayos eh.

Sadyang hudas lang talaga yung kambal at tinakot akong pilit. Kambal Animal!

*Kkkrrrriiiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!!

Lunch time na. Dapat excited ako kasi makaka-kain na ko pero bored pa rin ako.

Lalakad na sana ko para pumunta sa tambayan namin, pero hinarangan ako ng Keifer.

I arched a brow. Kailangan nito?

"Bakit?"

"Kukuhanin ko na sana yung bayad." Sabi nya at inilahad ang kamay.

Shooooot! Yung 25k na hiniram ko.

Nagpilit ako ng ngiti. Kailangan bait-baitan sa maniningil. "Wala pa eh..."

"Kelan mo ko balak bayaran?" Mahinahon nyang tanung.

Sa lahat ng naniningil eto ang hindi galit. Sa ganitong tao masarap mangutang.

Napakamot ako ng ulo. "Hindi ko pa alam."

"Tss."

Yan na yung pisting 'Tss'. Hindi pa rin sya umalis sa harap ko. Tinitignan na rin kami ng mga classmate naming patay guts.

Bigla nalang ngumiti ang Keifer. Yung ngiting nakakaloko at alam mong may kalokohang niluluto sa utak nya.

"Kung wala kang pera pambayad. You can pay me with something else." Sabi nya at tumingin sa dibdib ko.

Nanlaki ang mata ko. Agad kong tinakpan ng mga braso ko yung dibdib ko at bahagyang iniwas sa kanya.

Manyakis!

"Ayaw mo ba?" Tanung nya na may pang-aakit na boses.

Ay shutang*names!!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon