Chapter 55

1.1M 47.4K 39.7K
                                    

Author's Note: Sorry guys kung wala pa picture yung iba. Meron kasi ako tinatapatan na tao----actor/actress. Kapag ka nakita ko sila, tinitignan ko kung match nga ba nila yung personality ng character ko.

Okay lang naman kung ibang lahi, since fiction lang naman to. Kaya yung picture ni Yuri Hanamitchi beybe ⬇⬇⬇ ----nasa dulo nitong chapter.---- Hindi red hair at hapon, wala rin sya'ng salamin at hindi rin sya mascular but somehow i can see Yuri to him.

Hahanap pa ko para sa iba. Nakita ko na si Kiko pero next chapter nalang sya. Hehehehehe.

Lunch

Jay-jay's POV

"...Class, next day after tomorrow gagawa kayo ng report! Gusto kong mag-groupings na kayo para mabilis at hindi na kailanga'ng i-take home!" Sabi ni Ma'am.

"Okay..." Bored na sagot ng mga ulupong.

Magpakita naman sila ng kaunti'ng sigla. Nakakahiya sa teacher, baka isipin na hindi kami nakikinig.

Pero hindi talaga kami nakikinig.

"Tayo nalang nila David ang group?" Tanung sakin ni Ci-N.

Humarap ako kay David para sana tanungin sya kung okay lang pero may kausap sya.

Muli kong hinarap si Ci-N. "Baka nga tayo nalang."

Bigla nalang ngumiti si Ci-N ng nakakaloko. "Tayo nalang?"

Tinignan ko sya ng masama. Ibang 'Tayo nalang' yung iniisip nya. Abnormal talaga tong si Ci.

"Umayos ka... Sasamain ka sakin." Banta ko sa kanya.

Tumawa lang ang luko. Eto talaga'ng bata na to. Pero mas gusto ko yung ganyan sya. Kesa yung tulala at para'ng pasan-pasan nya ang langit at lupa.

*Kkkrrrriiiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!!

Ayan na! Kainan na! Papaikinin ko na yung mga anak-anakan ko----charot!

Kinuha ko na sa bag ko yung baon ng Hari ng mga ulupong. Special ang baon nya syempre, masabing sulit yung 150 na launch.

Nakakahiya kasi sa kanya!

Mukang hindi na nakapag-hintay ang Hari kusa ng lumapit sakin para kunin ang baon nya.

"Eto na yun?" Keifer ask.

"Oo... Anu'ng expect mo? Kasing laki ng bag ko yung baunan?"

"Tss. I'm just confirming it." Sabi nya at kinuha yung baunan sakin.

Aalis na sana ko para pumunta sa tambayan namin pero hinawakan ako ni Keifer sa braso.

"Eat here." Utos nya.

"Ayaw." Sagot ko habang umiiling.

"Bakit ba dun pa kayo kumakain?"

"Kasi gusto namin."

Tumingin si Keifer sa tabi nya at sinenyasan ang isa na lumapit sa kanya.

Meron sya'ng binulong dito at agad na lumabas. Tinignan ko lang sya at yung kamay nya na nakahawak pa rin sa braso nya.

Sinasapian na naman siguro to!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon