Chapter 42

1M 46.9K 55.8K
                                    

Author's Note: Sorry po sa matagal na update... Busy lang po. Malapit na kasi ako magtrabaho. Thanks po sa paghihintay and sa support. Thank you din sa pagVote... 😙😘😊

Sinister Smile

Keifer's POV

"What do you mean?" I ask Yuri.

I don't get what he means.

"I saw him... He's talking to Jay-jay." Yuri answered.

Imposible! Patay na yung tao, panu sya magagawang kausapin ni Jay.

"4 years ng patay yung tao. Imposible yang sinasabi mo."

"Pero hindi ako pwedeng magkamali. His blue eyes look at me before he left." He explained as if he was sure.

I chuckled, "That's impossible."

"Pwede kong tanungin si Jay kung gusto mo. I can show her a picture of Per----"

I cut him. "Don't! Just don't say his name here." I look at Section A.

Nag-iinit ang ulo ko kapag naririnig ang pangalan nya. Bumabalik ang lahat ng nangyari nung gabing yun. Baka sa sobrang galit ko isunod ko si Aries sa kanya. Sa hukay nya!

Tutal si Aries naman ang may kasalanan kung bakit sya nawala. Bagay lang syang isunod sa huk---what the fvck?!

May bumunggo sakin.

"S-sorry... Hahara-harang ka kasi eh." Sabi ni Jay-jay at muling bumalik sa pagtakbo.

"You okay?" Yuri ask me.

"Bwisit..." I murmured.

Sakit na nga sa ulo ang babaeng to, pati ba naman sa katawan.

Ibang klase!

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Habulin mo ko!!" Sigaw ni Ci-N habang tumatakbo.

"Lintik ka! Yari ka sakin!" Sigaw ko at mas binilisan pa ang takbo.

Hababulin ko talaga ang impakto na to. Meron kasi akong na-discover na kalokohan nitong si Ci-N.

Sya pala ang nagbubukas ng fb ko sa cellphone. Ina-accept nya lahat ng Section E na nag-add sakin. Nagpo-post din sya sa wall ko.

Hayop! Kaya pala ang dami kong notification.

"Lapastangan ka!" Sigaw ko ulit.

"Hahaha.. Habol!" Sigaw nya.

Maabutan ko na sana sya pero bigla nalang bumagal ang takbo nung nasa harap ko at kumaway sa kung saan. Sa inis ko sinipa ko sya sa likod. Hindi naman malakas pero sapat lang para bumagsak sya.

"Aray! Sino---Jay! Bakit mo ko sinipa?!" Inis na tanung ni Calix.

Sya pala to at mukang si Mica ang kinakawayan nya.

"Ikaw kasi eh.." sabi ko at muling hinabol si Ci-N.

Sakto namang may kinakawayan ang walang hiya. Mukang si Rakki yun. Nakaupo sa bleacher at may hawak na racketa.

Binilisan ko pa ang pagtakbo at agad na sinipa si Ci-N sa likod. Kapareho lang ng lakas nung kay Calix.

"Aray! Masakit!" Sabi nya habang pilit hinihimas ang likod.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon