Chapter 63

1M 42.4K 26.9K
                                    

Cheater

David's POV

*Continuation of Flashback...*

Natapos ang klase. Naging tahimik ang lahat mula kanina. Paglabas ng room dumiretso ako sa parking kung nasan ang kotse ko.

Sa luma at abandunadong pabrika ang punta ko. Dun ang usapan namin ni Kiko.

Pagdating, sya lang ang nakita ko habang nakasandal sa kotse nya. Malakas ang loob ni Kiko kasi kaibigan nya si Aries.

Alam nyang makakaganti sya kapag na-agrabyado sya.

"Tagal mo naman!" Reklamo nya paglabas ko ng kotse.

Bahagya akong lumapit sa kanya. Hindi sya gumagalaw, hangang sa may napansin ako'ng mali.

Fvck! Hindi sya nag-iisa.

Biglang lumabas si Mykel kasama ng iba pang Section A, meron din silang kasamang Section D. Nakapaligid sila samin.

"One on one ang usapan! Bakit andito sila?!" Tanung ko kay Kiko.

"Nagbago isip ko eh!" Sabi nya at ngumiti.

I knew it! Madaya makipag-laban ang mga Section A. Hindi talaga sila papayag magpatalo.

"Hawakan nyo!" Utos ni Kiko.

Agad na lumapit sakin ang mga kasama nya. Pero bago pa nila ko mahawakan, malakas na suntok ang sinalubong ko.

Na-alarma ang iba, meron tinangka akong suntukin pero naka-iwas ako. Naglapitan yung iba sakin pero binigyan lang nila ko ng pagkakataon para suntukin sila.

Lima na ang napapabagsak ko at nag-uumpisa na kong mapagod. Hangang sa may humampas ng tubo sa likod ko, dahilan para bumagsak ako at mahawakan nila.

"Inabot kayo ng syam syam para lang mahawakan sya?!" Galit na tanung ni Kiko.

Lumapit sya sakin at kinuha yung tubo sa kasama nya.

"Magaling kang makiusap diba?! Makiusap ka ngayon!" Sabi nya at agad akong sinikmuraan gamit ang tubo.

Napayuko ako at halos isuka ko ang laman loob ko sa ginawa nya. Nakakapang-lambot ng tuhod. Pinilit akong itayo ng may mga hawak sakin.

Sandaling binitiwan ni Kiko at sinuntok ako sa muka. Masakit! Nakakapamanhid ng muka.

"Maki-usap kana!" Utos ni Kiko at sinuntok ulit ako.

Kahit hindi ko tignan, alam kong dumudugo na ang bibig ko.

"Makiki-usap kana ba?" Pang-aasar na tanung ni Kiko.

"P-para k-kang b-babae m-manuntok." Pilit kong sabi.

Mukang napikon si Kiko at agad akong sinipa sa sikmura. Bumagsak ako at aaminin ko, hindi na ko makatayo.

Muli akong hinawakan ng mga kasama nya at pilit iniharap kay Kiko na hawak na naman ang tubo.

"Tignan ko lang kung makapag-salita kapa dito!" Sabi nya at agad na hinampas sa muka ko ang tubo.

Silents......

Pakiramdam ko nabingi na ko. Unti-unting bumagal ang lahat. Hindi na ko makagalaw at unti-unti na kong bumabagsak.

Humihigpit ang paghinga ko. Bumagsak na ko sa lupa pero wala akong naramdamang sakit o kahit anu. Unti-unti na ring dumidilim ang paningin ko.

Tanging mga ngiti na lang ni Kiko ang nakita ko bago tuluyang magdilim ang lahat.











Puti, maliwanag at tahimik. Patay na siguro ako! Yan ang unang pumasok sa isip ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon