Chapter 21

1M 42K 36.1K
                                    

Clinic

Jay-jay's POV

Para kaming La Pieta dito ni David! Charot lang. Wala kasi talaga'ng tumutulong samin. Sumigaw na rin ako para magpatulong pero lahat ng studyante naka-tutok sa nagsusuntukan.

Wala man lang Guard na umaawat sa kanila at wala man lang talaga'ng gusto'ng tumulong sakin. Nakuh naman!

Hangang sa lumapit samin si Kiko at sapilita'ng binuhat si David kahit puro putik.

"Sa Clinic!" Sigaw nya sakin at sumunod naman ako sa kanila.

+++++++++++++++++++++++++++++

Ci-N's POV

Pakiramdam ko nanaginip ako. O baka naman nagha-hallucinate na ko dahil sa hangover.

Wala'ng tao sa room at ang tahimik ng paligid. Pero andito yung gamit nung iba.

Baka may pinuntahan lang.

Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko binibiyak. Hindi rin pala ako naka-inom ng gamot kanina bago pumasok.

Pinilit kong tumayo at maglakad papuntang Clinic. Sure naman akong may gamot sila para sa sakit ng ulo.

Pagdating dun nakita ko yung nurse na may inaasikasong studyante sa isa sa mga kama. Si David?

Wala syang pang-itaas na damit pero nilagyan sya ng bimpo sa noo. Tapos kinumutan ng nurse.

"May kailangan ka?" Tanung sakin nung Nurse.

"Hihingi po sana akong gamot sa sakit ng ulo." sabi ko.

"Sige.. maupo ka muna don. Tatapusin ko lang to." Sabi nung sabay turo sa bangko malapit sa table nya.

Tumango lang ako at naglakad na palapit dun. Pagka-upo, napansin ko agad na may gumagalaw sa likod ng malaking cabinet na puno ng gamot.

Lumapit ako para tignan pero napahinto ako sa eksena'ng nakita ko. Si Keifer naka-boxer lang at nagsusuot ng pants. Si Jay-jay nakatalikod kay Keifer pero kita bra at nagsusuot ng t-shirt.

O_O... Anung ginawa nila? Bakit pareho sila'ng nakahubad? Nasa tagong lugar pa sila.

Bumalik ako sa upuan. Pakiramdam ko lalo'ng sumakit yung ulo ko sa nakita ko.

Hindi kaya ginawa na nila yung ano... Aarrggghhhh... Hindi ganun si Jay-jay. Hindi rin sila magSyota para gawin----

"Hubarin mo na kasi!" Sigaw ni Keifer.

Anung huhubarin? Humahabol ba ng round two si Keifer?

"Nalagyan oh!" Dagdag pa nito.

Nalagyan ng anu?

Medyo humina yung boses nila kaya hindi ko na narinig pero parang nag-aaway sila.

"Patingin sabi!" Sigaw ulit ni Keifer.

Patingin ng anu?

"Tsk! Panu ko makikita ng maayos yan?! Likot likot mo!" Sigaw ulit ni Keifer.

Malikot?

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon