Chapter 22

996K 41.3K 17.9K
                                    

Alone

Jay-jay's POV

Kala ko may magwawala ulit na unggoy. Luko-luko kasi yung nagsabi nung 'Bakla lang umiiyak pre.'. Bigla rin namang nagtago nung hinanap nila yung nagsabi nun. Luko lang!

Days past at hindi na ko sinasabay ni Aries sa kotse nya. Wala na daw syang paki-alam kung magalit si Kuya Angelo sa kanya. Bahala sya! Sya naman kakagalitan hindi ako.

Pagpasok ko ng room naguusap usap silang lahat. Lumapit ako kay Ci-N.

"Anung meron?" Tanung ko.

Ngumiti naman sakin si Ci-N. "Monthly Assembly."

"Anu yun?"

"Anu... Yung magre-report yung each class president ng bawat section sa head teacher at principal ng school."

"Ahh.. Report tungkol saan?"

"Tungkol sa bawat student sa section. Kung may na-suspended ba o kung anu man. Dun na rin sinasabi yung mga hinaing at pangangailangan ng bawat Section sa room nila."

Pangangailangan? Eh dapat ireport ni Keifer yung room naming mukang bodega at basurahan. Kailangan namin ng malawaka'ng hakutan.

Tapos hakutin na rin nila si Keifer.

"Tara na!" Dinig kong aya ni Yuri. "..Baka pag-usapan na naman tayo don kapag nahuli pa tayo."

Hinarap ko ulit si Ci-N. "Saan tayo pupunta?"

Umiwas ng tingin si Ci-N at naghimas ng batok. "Kasi Jay... Anu... H-hindi---"

"Hindi ka kasama." Pagdugtong ni Keifer sa sinabi ni Ci-N.

Ha? Bakit?

"Wala ka namang gagawin dun kaya dito ka nalang." Dagdag ni Yuri.

La! Tapos lahat sila palabas ng room. Anu kaya yun?

"Bakit sila?" Tanung ko.

"Gusto nilang sumama." Bored na sagot ni Keifer.

"Ako din... Gus----"

"Wag na. Hindi ka naman kabilang samin kaya dito ka nalang." Sagot ni Yuri habang naglalakad palabas ng room.

Hindi kabilang? Pero Section E naman ako ah!

Binigyan ako ni Ci-N ng apologetic look bago tuluyang umalis. Mag-isa nalang ako sa room. Bakit ganun? Medyo matagal na ko dito sa Section na to tapos hindi pa rin nila ko tinatanggap. Napaupo nalang ako sa bangkuan ko at dumukdok sa lamesa.

Pero sabi nila nung nagkakagulo nung nakaraan 'At wala ring iwanan.'. Pero iniwan nila ko.

Mahirap ba kong tanggapin?

Ang bigat sa pakiramdam.

Napaangat ang ulo ko ng may maramdaman akong tao'ng pumasok sa room. Tatlong lalaki pero hindi ko sila kaklase.

Nakangiti'ng lumapit sakin yung isa. "Jasper Jean Mariano?"

Matipid na tango lang ang binigay ko pero may halong pagtataka. Sino ba tong mga to?

Lumapit na rin sakin yung dalawa at laking gulat ko ng sampalin ako ng isa sa kanila.

Sobrang lakas agad akong bumagsak sa sahig. Namanhid din sa sobrang sakit yung pisngi ko. Tanginik!

Mas masakit kaya manampal ang lalaki!

Napatingin ako sa kanila at mga nagtatawanan pa.

"Mga pvtang'na nyo! Inaano ko kayo?!" Galit na tanung ko sa kanila habang pilit tumatayo.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon