Chapter 101

952K 36.1K 18.2K
                                    

Author's Note: i miss pressing 'Publish'. Hahahaha iMissYou guys.

Yuri's Pain

Jay-jay's POV

"Sorry... Hindi na dapat ako tumawag sayo ng hindi ka nadamay dito." Sabi sakin ni Drew.

Gustuhin ko man syang sermunan hindi ko magawa. Andito na kami, anu pang saysay ng sermon ko. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad habang sinusundan si Yuri.

Hindi ako sigurado kung saan patungo tong Hallway na to.

"Drew... Pwede mo bang sabihin sakin kung bakit naging tambay si Yuri dito?" Bulong ko sa kanya.

Umiling si Drew. "Sya dapat ang kausapin mo tungkol dyan."

Hindi kasi mawala sa isip ko yun. Anong ibig nyang sabihin na si Ella ang naging dahilan?

Sa totoo lang, ayoko dito sa lugar na to. Puro illegal business yata ang nandito. Umamin na samin si Drew, nagsusugal nga sya.

Yung perang hiniram nya sakin naitalo daw nya. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko sa inis. Wala na kong ados (pera), tinatabi ko yung pinahiram ko sa kanya, tapos nag-disapearing act pa.

Punyeta.

Nangako naman sya na papalitan nya pero syempre, kelan?

"Yuri..." Tawag ko. "...Saan ba tayo pupunta?"

Patuloy si Yuri sa paglalakad. "Magbabayad..." Bored nyang sagot.

Ang hirap ng ganito. Yung hindi mo alam yung pupuntahan mo tapos ayaw pang sabihin ng mga kasama mo.

Kainis!

Kaunting liko at kanan pa hanggang sa may naririnig akong malakas na sigawan. Parang may nanunuod ng laban ni Pacquiao. Kaunting lakad pa at mas lalung lumalakas ang sigawan.

Paglabas ng hallway, ang daming tao. Sobrang dami at halos lumuwa na ang mga lalamunan nila sa pagsigaw.

Merong malaking kulungan sa gitna. May naglalaban sa loob na dalawang lalaki.

"A-anu tong lugar na to?" Tanung ko.

"Underground fight." Sagot ni Drew.

May narinig kaming sumipol ng malakas. Mula sa hindi kalayuan malapit sa ring nakita namin yung Tiger. Nakapwesto sya sa parang biranda, may lamesita at sofa. Sya lang ang tao don.

Lumapit kami don at mula sa pwesto namin. Kitang kita namin yung naglalaban sa gitna.

"Naiinis ako sa laban! Mga wala silang saysay!" Sigaw ni Tiger at nagsalin ng alak sa baso. "...Yan sanang bata na yan ang ipapasok ko buti nalang dumating kayo!" Sabay turo kay Drew.

Mukang nagulat sya sa sinabi ni Tiger. Sa itsura nya at itsura ng lugar halatang hindi sya tatagal.

May taong lumapit kay Tiger at nag-abot ng isang bagay na nakabalot sa tela. Nilapag nya yun sa lamesita at binaba na rin ang basong hawak nya.

"Alam mo na ang gagawin Yuri. Dating gawi..." Bored na sabi nya bago buksan yung balot na tela.

Bumungad ang isang army knife. Napatingin ako kay Yuri na walang expression.

Para saan ang army knife?

"Ikaw ang sunod, pagkatapos ng laban na yan." Dagdag ni Tiger.

Tumayo si Yuri at agad na hinubad ang polo at tshirt na pangloob nya, pati sapatos tinanggal na rin nya. Nakita ko na naman yung mga peklat nya sa katawan.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon