Chapter 54

1M 40.7K 18.5K
                                    

Festival

Jay-jay's POV

Ang bigat ng bag ko! Hindi na notebook ang laman nito. Puro lunch box. Baon ko, baon ni Ci-N, baon ni David at baon ng Pisting Hari ng ulupong.

Manghingi nalang kaya ako ng pera ky Kuya para mabayaran ko na yung mokong na yun. Kayalang baka makagalitan ako. Okay na to. Bibili nalang ako ng mas malaking bag para magkasya yung mga baunan.

Malapit na ko sa kanto ng may makita akong pamilyar na kotse. Yung kotseng maangas. Yung pagmamay-ari ni Kuya'ng Blue eyes.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakatayo sa hindi kalayuan si Kuya'ng Blue eyes at naninigarilyo.

"Hi!" Bati nya sakin.

Nag-wave lang ako ng kamay. Feeling close kasi.

"Papasok kana?" Tanung nya sakin.

Aba! Nagtatagalog na sya ngayon. Hindi kagaya nung nakaraan. Kung todo english pa sya.

"Oo.." tipid na sagot ko.

"Need a ride?"

Umiling ako agad. Hindi ko pa naman sya kilala tapos makikisakay na ko agad. Anu sya? Mamaya rapist pala tong Blue eyes na to.

"Are you sure? Muka kasing nahihirapan ka dyan sa dala mo."

"Muka lang... Pero hindi." Sagot ko sa kanya at agad na naglakad palayo.

Umaano ba dito yung lalaki na yun? Ke-aga aga naninigarilyo at nag-gagala. Nag-aaral ba yun?

Mukang out of school youth.

Patuloy lang ako sa paglalakad na may marinig akong busina ng sasakyan sa likod ko. Lilingonin ko sana kayalang kinutuban ako na eto yung si Kuya'ng Blue eyes.

Binilisan ko nalang yung paglakad. Bumusina na naman yung sasakyan at para bang sinusundan ako.

Huminto ako at huminto rin yung sasakyan. Mukang sinusundan nga talaga ako.

Nilingon ko na yung sasakyan para tignan at bantaan na rin sana yung driver. Pero napatigil ako ng makita yung sumusunod sakin.

Si Yuri at yung kotseng pinanghatid nya sakin dati yung gamit nya.

Bumukas ang pinto at lumabas ang Yuri. "Kanina pa kita tinatawag! Ano kaba? Bingi?" Inis nyang tanung sakin.

Grabe! Ang sungit naman nito. Daig pa yung babaeng may dalaw.

"Akala ko kasi..."

"Just get in the car." Utos nya.

Ay dito, talagang sasama ako. Lumapit naman ako pinto ng passenger seat at binuksan yun. Sumakay ako kasunod ni Yuri.

Ginhawa!

Nakaginhawa ako sa bigat ng bag ko pati na rin sa init ng panahon.

"Hoy! Yuri'ng yayamanin... Umaano ka dito sa village namin?" Tanung ko sa kanya.

He cleared his throat. "M-may dinaanan lang ako dyan sa malapit." Sagot nya.

"Ng ganto kaaga?"

"O-oo..."

Napa-'ahh' nalang ako. Kakaiba din kasi ang trip nitong si Yuri. Napansin kong panay ang tingin nya sa side view mirror.

"May sumusunod satin." Sabi nya at sandaling lumingon sa likod.

Sinubukan ko ring tignan pero hindi ko maintindihan kung panong lingon ang gagawin ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon