Chapter 84

1M 38K 28.2K
                                    

Festival Days 4

Jay-jay's POV

Daig ko pa adik sa kalagayan ko ngayon. Hindi na ko pinatulog ng eksenang nadatnan ko. Sakit tuloy ng ulo ko.

"Jay! Nakikinig kaba?" Tanung sakin nila Eman.

"Ha?"

"Ay naku! Sabi ko lumakad ka, titignan namin!" Inis na sabi ni Eman.

Tumayo naman ako at naglakad kahit hindi ko naman naiintindihan kung bakit.

"Pwede na yan... Lakad lalaki naman si Jay-jay." Sabi ni Kit.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Impakto! Kelan pa ko naging lakad lalaki?

"Daig mo pa nga kami sa paglalakad." Pang-aasar pa ni Kit.

"Gago!"

"Totoo yun, para kang siga." Dagdag ni Eren.

Mga lintik na to! Anu nalang itsura ko kung siga nga ako maglakad? Inirapan ko nalang sila at muling naupo.

Nasa mall kami ngayon, kami na kasi ni Ci-N ang lalaban para bukas kaya namimili na kami ng gagamitin. Buti nalang pinahiram sakin ni Kuya Angelo yung Credit Card nya.

Si Eman, Eren, Kit at Josh ang kasama ko ngayon. Sila daw kasi ang pipili ng susuotin ko para mamaya. Si Ci-N hinihintay pang matapos ang laban ni Rakki, dun daw sya papatulong.

"Jay..." Tawag sakin ni Josh.

Halos mapa-iktad ako sa gulat sa kanya. Napaka-hina talaga ng boses nya. Hindi ko alam kung bumubulong sya o naninigaw na.

"B-bakit?"

"Pwede mo ba kong samahan?" Sabi nya sabay turo sa isang ice cream store.

Gusto ko sanang tumanggi kasi ang dami namin tapos sakin sya nagpapasama, kayalang nakakahiya.

Tumayo nalang ako at nag-nod sa kanya. Naglakad na kami papunta sa ice cream store.

Pagdating dun, merong pila. Ugh! Nakakainip! Napilitan akong makipila kasama ni Josh.

"Anong nakita mo kagabi?" Biglang tanung nya sakin.

Hm?

"...Alam kong may nakita ka kagabi?" Dagdag nya.

Wala naman akong nakitang multo kagabi. Higit pa sa multo yung nakita ko.

"W-wala naman." Sagot ko.

"Tao yung tinutukoy ko, hindi multo." Paglilinaw nya.

Sasabihin ko ba?

"Panu mo naman nasabi na may nakita ako?"

Oo nga... Hindi kaya sya yun nakita ko? Ang problema kasi, hindi ko nakita ng maayos yung mga pgmumuka nila. Basta alam ko lang lalaki sila.

Baka si Yuri at Keifer yun!

Aaarrgghhhh!!! Hindi! Hindi sila yun! Sure ako!

"Dahil nakita ko din." Mabilis nyang sagot.

"Kilala mo ba kung sino yung mga yun?"

Umiling sya. "Wala na kong balak alamin kung sino sila, pero ang sakin lang... Wag mo na sanang ungkatin kung sino sila."

"Bakit naman?"

"Jay... Tinatago nila yung kung anu mang meron sila. Kapag nakarating kila Keifer na may kaklase tayong bakla anu sa tingin mong gagawin nila?" Tanung nya na nagpa-isip sakin.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon