Chapter 34

942K 36.9K 9.5K
                                    

Mica & Calix 3.0

Mica's POV

*Continuation of Flashback...*

Mahigit isang buwan na kami. Sobra'ng saya ko. Tinitignan ko lang sya dati pero ngayon kayakap at hawak kamay ko na sya.

"Baby... Kumain kana. Wag mo kong pag-masdan." Utos nya sakin at nilapit ang pagkain.

Alam ko nama'ng ayaw nya ng pinapanood sya. Hindi ko kasi mapigilan. Ang sarap nya kaya'ng pag-masdan.

"Gusto mo siguro'ng subuan kita no?" Pang-aasar nya sakin.

Umiling ako at agad na kinuha yung pagkain ko. Yung totoo, gusto ko pero nakakahiya pa rin.

"Baby... Panu pala yan, magiging busy kana? Malapit na yung Math contest, meron pang intrams."

Oo nga pala. Ako kasi ang nilalaban nila sa Math. Section A naman ang nag-aasikaso ng intrams.

"Oo.. Baka hindi na kita mapag-baon ng pagkain."

"Okay lang naman yun... Ayoko lang nung mawawalan ka ng time sakin." Sagot nya at ngumiti sakin.

Yang ngiti na yan! Yan yung dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nung una'ng araw na kinausap ko sya.

Pagkatapos kumain, mabilis ako'ng bumalik sa room namin. Wala kasi'ng nakaka-alam na nagpupunta ako sa building ng Section E. Gusto kasi ni Calix na isekreto muna ang lahat samin.

"San ka nag-lunch?" Salubong sakin ni Mykel.

"Dyan lang..." Pabulong ko'ng sagot.

Alam ko'ng sinusundan nya ko. Ilang beses ko sya'ng nahuli pero nakakapag-tago sya agad kapag gusto ko sya'ng komprontahin.

Kailangan ko pa tuloy magpunta kung saan-saan para lang iligaw sya.

Papasok na sana ko sa room pero nakita ko si Ella na naglalakad palapit sakin. Seryoso'ng seryoso ang muka nya. Para sya'bg susugod sa gulo.

"Ell----"

"Kelan pa?!" Medyo napa-lakas ang boses nya kaya pinag-tinginan agad kami.

"H-ha? A-ang alin?"

"Yung kay Calix." Mariing bulong nya sakin ng mapansi'ng agaw eksena sya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi pa nga pala nya alam. Magagalit sakin to.

"K-kasi..."

"Kasi anu?! Mica! Sabi mo sakin gusto mo lang sya makilala. Yun lang, pero anu to?!" May halong galit na sabi nya.

Hindi ko sya masisisi. May usapan kami na hindi ako makikipag-relasyon sa kanya pero hindi ako tumupad.

Sorry Ella... Mahal ko kasi talaga si Calix.

"Kelan pa naging kayo?" Bulong nya sakin.

"Mahigit isa'ng buwan na." Sagot ko.

"At hindi mo man lang sinabi sakin?! Sinekreto nyo talaga?!"

Hindi ako makasagot. Tipid na tango lang ang naibigay ko.

"Dun pa lang hindi ka nag-hinala?" Dagdag ni Ella na nagpagulo sa isip ko.

Anung ibig nya'ng sabihin?

"Sekreto lang ang relasyon nyo kasi..." Huminga sya ng malalim. "...meron sya'ng girlfriend na freshman."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon