Chapter 16

1M 40.7K 13.7K
                                    

Absent

Jay-jay's POV

Masarap palang magkulong sa kwarto. Yung may nagdadala nalang ng pagkain sayo. Preso lang ang peg pero may kalayaan naman lumabas.

Sadyang ayoko lang talaga. Kahit nung weekend hindi rin ako lumalabas. Ilang araw na din akong hindi pumapasok.

Pwede naba kong huminto sa pag-aaral?

May kumatok sa pinto at unti-unti'ng bumukas. Pumasok si Tita Gema na may dala-dala'ng tray na may pagkain.

"Jay.. kumain ka at uminom ng gamot."

Bumangon ako at umupo. "Tita.. pwede po bang mag-stop na ko sa pag-aaral?"

"Bakit naman? Dahil ba dun sa mga ng bully sayo?" May halong pag-aalala sa boses nya.

Kesa mapa-away ako... Edi iwasan ko nalang.

"Ayoko lang pong mapa-away. Diba nag-promise na ko na magbabago?"

Hinawakan nya yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "Maraming paraan para labanan ang nang-bubully. Hindi lang pakikipag-basagan ng bungo ang solusyon."

Basagan ng bungo? San nakuha ni Tita yun?

"Pero kung kailangan na talaga... Sige tatanggapin namin." Dagdag nya.

Binibigyan nya ko ng permiso makipag-away? Parang nabuhayan ako bigla dun ah! Hahahahahaha *Evil laugh*

"Sure po kayo? Okay lang po talaga?"

"Oo.. pero wag naman palagi." Hinawakan nya yung pisngi ko at hinimas yun gamit yung hinlalaki nya. "Sige na.. Aalis muna ko kaya kung may kailangan ka, tawagin mo lang yung mga maid. Okay?"

"Sige po..."

Lumabas na si Tita Gema sa room. So pwede lang akong makipag-away kapag binubully ako at dapat minsan lang? Pwede na yon atleast makakatanggi na ko si ginagawa nila sakin.

Kinain ko na yung dala ni Tita'ng pagkain. Ayoko uminom ng gamot feeling ko kasi hindi effective. Masakit parin kasi yung ilong ko. Kapag tuloy humaharap ako sa salamin nakikita ko si Rudolf yung raindeer ni Santa.

Nilalagyan ko nalang ng strip yung ilong ko. Muka tuloy akong nagpa-nose job. Kukuha sana ko ng panibago para ilagay sa ilong ko kayalang ubos na pala.

Lumabas kaya ako para bumili?

Sabagay hindi masaya magkulong sa kwarto. Masarap lang pero hindi masaya. Nagpalit ako ng damit at nag-toothbrush. Bibili ako ng panibagong strip sa ilong.

Pagkatapos maghanda kinuha ko na yung wallet ko at lumabas. Nag-paalam ako sa maid nila Tita.

Sa mall nalang siguro ako bibili. May butika naman sa mall. Mamasyal na rin ako.

Nag-patawag ako ng Taxi. Hindi ko pa kasi alam kung panu mag-commute sa mga bus or jeep papunta sa mall.

Hindi rin naman pala kalayuan yung mall. Matagal lang ang byahe dahil sa traffic. Bumaba na ko ng taxi at inabot yung bayad.

Parang nakakahiya ata.

Ang daming tao, puro istudyante pa yung iba. Umuwi na kaya ako? Kayalang sayang andito na ko. Bahala na nga.

Pagpasok ko sa mall pinag-tinginan agad ako dahil sa strip sa ilong ko.

Ngayon lang kayo nakakita nito?

Dahil tao sa mula ang tropa nyo, hindi ko alam kung saan pupunta. Buti nalang at laging may gaurd at utility sa paligid.

"Kuya.. Saan po dito ang butika nyo?" Tanung ko kay Manong gaurd.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon