#MGDCUncharteredTerritory

9.5K 436 69
                                    

|Rhian|

It's already past one in the afternoon when we reached Batangas.

Mula sa chopper ay natatanaw ko sa ibaba ang malawak na lupain ng mga De Castro. They practically owned half of the town with their properties. Halos wala pa sa ikaapat na bahagi ng lupain nila ang katabing rancho na ipinamana sa'kin ng mga magulang ni Mommy.

Ngayon pa lang ako hinahampas ng reyalidad na nagpakasal ako sa isang napakamaimpluwensya at makapangyarihang tao.

How am I able to cope up with her?

Yes, I was born with a golden spoon on my mouth but we were raised differently.

She's too dominant for me and I wasn't born to be submissive. Kaya nga ipinagtataka ko ang mabilis na pagbibigay ko sa kanya ng sarili ko, that I even think that she drugged me to make me submit to her will easily.

I took a deep breath when we finally land. Mula sa kinalalagyan namin ay natatanaw ko si Don Gerardo na nakatayo sa bukana ng malaking villa nito at nakatunghay sa amin. Katabi nito ang isang babae, might be his nurse based on its white uniform.

Naunang bumaba si Glaiza at iniabot sa akin ang isang kamay para alalayan ako. But I refused to take her hand, instead I get off the chopper all by myself, at nauna nang naglakad patungo sa villa.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng maramdaman kong marahas na hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya at sinabayan ako sa paglakad.

"What the --" Gulat kong sambit kasabay ng bahagyang pagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nya.

"Stop wriggling, you little witch." She whispered through my ear. Kung titingnan sa malayo ay para lang itong malambing na asawa na may ibinubulong dahil sa pilyang pagkakangiti nito.

"Get your filthy hands off me." Mariing sambit ko kasabay ng pagsulyap sa kanya sa nanlilisik na mga mata.

"Don't make this hard for both of us. Just pretend to be a loving wife while we're staying here. Hindi mo gugustuhing mapagtsismisan tayo ng mga maids."

"So, pati pala sa mga maids nyo kailangan kong magpanggap. Hindi mo naman sinabing part pala ng deal na 'to ang lahat ng mga taong nakapaligid sa'yo." I respond, full of sarcasm.

"Don't start on me, Rhian." She uttered in a dangerous tone. "I'm just being careful. Ayokong maging laughing stock ng mga tao dito, much less give them something to gossip about."

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Where stories live. Discover now