#MGDCIntimateDetails

10.5K 510 111
                                    

|Glaiza|

"Rhian!" I called out her name as I tried to catch up with her big steps but she didn't stop nor turned her head on me.

She was walking too fast and before I can reached her, mabilis na syang nakasampa sa kabayo at pinatakbo ito palayo.

"Damn it!" I cursed harshly, then quickly went up to my horse and rode it as fast as I can. I need to follow her and explain everything.

Patungo sa kabilang rancho ang daang tinutumbok nya, sa Ramos Ranch.

Ilang beses ko syang tinawag para huminto pero sa halip ay mas lalo nya pang binilisan ang pagpapatakbo.

I can't believe the way Rhian riding Knight. Hindi maikakailang magaling sya pagdating sa pangangabayo dahil halos hindi na lumalapat ang mga paa ng kabayo sa lupa sa bilis ng pagpapatakbo nya. Ang ipinag aalala ko lang ay nasa kakahuyan kami at may mga sanga ng punong bigla na lang sumusulpot sa dinaraanan. Kung hindi alerto ang mga mata nya ay siguradong magiging sanhi ng kapahamakan nya. And I know she's crying, makes me more worried because it might make her vision unclear.

I said an explicit oaths, pagkatapos ay hinapit ang pagpapatakbo kay Thunder.

One accident is enough. I couldn't take it if she will ever face another one. At muli, ako na naman ang dahilan.

"Rhian, slow down!" Sigaw ko sa kanya ng magkatapat na ang mga kabayo namin.

Hindi nya ko inintindi at patuloy lang sa mabilis na pagpapatakbo. Hindi man lang nagtangkang sumulyap sa gawi ko. Nakikita ko ang mga butil ng luhang nalalaglag sa mga mata nya at gusto kong tadyakan ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan ng pag iyak nya.

Naiinis ako sa sitwasyon pero mas nangingibaw ang pag aalala ko sa kanya.

"Wifey, please! You're riding too fast and you're scaring me!" I shouted again while slightly glancing at her.

"What do you care?!" She glared at me.

"Ofcourse I care! Just stop and let's talk!" I answered.

"Fuck you!" Sigaw nya sa marahas na tinig pagkatapos ay muling hinapit ang kabayo dahilan para muli syang mauna ng bahagya.

Muli ko syang tinangkang pantayan pero hindi ko na sya nahabol. Nanatili na lang akong nasa likod nya hanggang sa makalabas kami ng kakahuyan.

Ilan sandali pa ay pareho na kaming nasa loob ng Ramos Ranch. Wala pa ding tigil sa mabilis na pagpapatakbo si Rhian habang ako naman ay patuloy sa pagpupumilit na makaagapay sa kanya.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakapasok ako sa Ramos Ranch dahil kahit magkatabi ang mga rancho namin ay hindi ako kailanman nagawi sa lugar na 'to.

Bahagya ko ng natatanaw ang grandyosang villa na nasa gitna ng malaking solar at ang ilan sa mga tauhan ng rancho na nasa mismong harap nito at waring may hinihintay.

Napakunot ang noo ko.

Did they know that Rhian's coming over?

"Don't let her come near me. Pigilan nyo syang makalapit." Narinig kong utos ni Rhian sa mga tauhan nya matapos mabilis na makababa ng kabayo. Pagkatapos ay agad nang tumakbo papasok sa loob ng villa.

Huminto ako ilang hakbang mula sa malaking pintuan ng villa at walang anumang bumaba ng kabayo. I walked towards the front door not minding those men who tried to terrorized me with their stare.

Sa isang iglap ay naging alerto ang mga ito at humarang sa daraanan ko.

"Padaanin nyo ko." I uttered in a dangerous tone. I don't care if I am outnumbered by them or if they are much bigger than me. All I know is that I badly need to talk to my wife.

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon