#MGDCTheStruggleIsReal

7K 372 80
                                    

|Glaiza|

Pagbaba ni Rhian ay nadatnan nya na kaming nasa dining ni Lolo Gerardo at nagkakape. She's already made up and ready for work. She looks classy and formal in her office attire and her lack of emotion didn't even mar her beauty.

"Good morning po." Salat sa emosyong bati nya kay Lolo Gerardo kasabay ng paghalik sa pisngi nito. She didn't even bother to take a glance at me.

"Good morning hija. Halika at mag agahan ka muna bago ka pumasok sa opisina."

"Sa kotse na lang po ako kakain. I don't wanna be late on my first day. Mahirap nang mapagalitan ng boss." There's a hidden sarcasm in her voice.

I know she's implying about her first day as my assistant where she arrived hours late and I scolded her. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bumalik sa isip ko ang tagpong yun at ang sobrang pagpipigil ko sa sarili para hindi angkinin ang mga labi nya nung mga panahong yun.

Marahil ay napansin nya ang pagngiti ko dahil tumaas ang isang kilay nya ng bahagyang mapasulyap sa'kin.

"Hija, sino bang boss ang tinutukoy mo? You own the company and I'm sure no one will dare to complain if you chose to arrive late. At masama sa buntis ang magpalipas ng gutom, hindi ba Glaiza?" Baling sa'kin ni Lolo.

"Huh? Yun din ang alam ko Lo." Atubili akong sumang ayon kay Lolo dahil alam kong masama ang tingin sa'kin ni Rhian. Though I really like the idea of having breakfast with her, I don't think it's gonna be happen this soon.

"Nakita mo na hija, kahit ang asawa mo ay sumasang ayon. At kung ang ipinag aalala mo ay ang pagkalate sa trabaho, the chopper is always at your disposal. Hindi naman ako makapapayag na may mangyaring masama sa mga apo ko dahil lang sa araw araw na pagparoo't parito mo."

"Pero Lolo --"

"Nonsense Rhian! Maupo ka at kumain, at hwag nyong idamay ang mga anak nyo sa kung anumang alitan mayroon sa inyong mag asawa." Mariin at hindi mababali ang mga salita ni Lolo.

I remained silent on my seat. Lolo Gerardo has a point and I hope Rhian can see that.

Nagulat pa ko nang hilahin ni Rhian ang isang upuan sa tabi ko at tahimik na umupo. Then she put some fried rice and a slice of bacon on her plate and started to eat. There's a smile forming my lips when I discreetly glance at my grandfather. Bahagya pa kong nagulat ng mabilis na kumindat sa'kin si Lolo. I knew it! She's just bluffing my wife and I can't believe she fell for it. Hindi talaga mauubusan ng pakulo si Lolo. Kung naging artista ito, pupusta akong madami na itong best actor trophy sa galing sa pag arte.

But I must admit his acting capacity really helps. Nakagawa sya ng paraan para makasabay ko sa pagkain ang asawa ko kaya walang pagsidlan ang saya sa puso ko. Napansin ko ding malakas ng kumain si Rhian ngayon. If before she could last in just a glass of orange juice or a cup of coffee, ngayon ay halos maubos nito ang isang platong sinangag at ilang slice na bacon, idagdag pa ang tapa at hotdog na inulam nya din sa kanin. Wala naman akong reklamo kahit tumaba pa sya at maging lumbalumba, basta para sa'kin sya pa din ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Wala kaming imikan habang sakay ng chopper. At pwede pang umupo ang isang tao sa layo ng pagitan naming dalawa. Nanatili syang nakatingin sa baba habang pinagsasawa ko naman ang mga mata ko sa kabuuan nya.

"Will you stop staring?" Narinig kong sabi nya pero ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa ibaba.

"Who's staring?" I asked, trying to act innocently.

"Napakasinungaling mo talaga. Now I really wonder why I fell in love with such a big liar like you." Mahina pero mariing sambit nya kasabay ng nagbabagang tingin na ipinukol nya sa'kin. I know she didn't want to get our pilots attention that's why she's still trying to get her composure.

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Where stories live. Discover now