#MGDCEnemysAttempt

6.9K 379 43
                                    

|Glaiza|

It's already past eleven when I reached the villa. Naabutan ako ng mabigat na traffic sa Tagaytay nang pabalik na ko sa Batangas at kanina habang nagmamaneho ako ay ipinapanalangin kong sana ay mahintay pa ko ni Rhian at hindi pa sya kaagad makatulog. Lately, I've noticed that she also loves to sleep, maaga na syang natutulog sa gabi at tanghali na kung magising kinabukasan. Kung hindi ko pa gigisingin ay hindi pa magigising. Wala naman akong reklamo dahil alam kong kasama din yun sa epekto ng pagbubuntis nya. Tumakaw sya sa pagkain at ganun din sa pagtulog.

Matapos kong maiparada ang sasakyan ay agad na akong bumaba bitbit ang pagkain na ipinabili sa'kin ni Rhian. Hindi na masyadong mainit ang bulalo dahil sa haba at tagal ng byahe ko, idagdag pa ang lamig sa loob ng sasakyan dahil sa aircon pero maaari namang initin. Wala naman syang sinabi na kailangang mainit pa pagdating ko, basta ang sabi nya bulalo from our favorite restaurant in Tagaytay.

Habang naglalakad papasok sa villa ay napasulyap ako sa ikalawang palapag ng malaking bahay, and that's when I saw my beautiful wife, nakatayo sa verandah at alam kong naghihintay sa pagdating ko.

Nang makita kong nakatunghay sya sa'kin ay agad akong ngumiti, kasabay ng bahagyang pagtaas ng hawak kong plastic bags na naglalaman ng mga pagkain. She smiled back, pero hindi kasinglaki ng ngiti ko. Matipid at bahagya pa itong nakakunot noo kaya agad akong napaisip kung may nagawa na naman ba akong mali.

Maybe it's her hormones kicking in again. I thought.

I just shrugged my shoulders and continued walking my way in.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng isa sa mga maids, iniabot ko dito ang bitbit ko pagkatapos ay inutusang iakyat na lang sa itaas pagkatapos initin. Naisip kong masyado nang late at ayoko na ding bumaba pa si Rhian kaya mas mabuting sa kwarto na lang kami magdinner.

Habang paakyat sa hagdan ay bahagya ko ng nararamdaman ang pagod. It was a long drive and it was indeed tiring but when I saw Rhian seating like a goddess in the couch just a few steps away from our bed and wearing her red flimsy night gown I was instantly felt recharge.

Mabilis na pumasok sa isip ko ang gabing nadatnan ko din syang nakaupo sa couch suot ang kaparehong pantulog. I didn't do anything then even if I wanted her so badly, dahil hindi pa kami in good terms noon. And now it feels like a déjà vu and I should grab my chance now for I'm lucky because opportunity doesn't knock twice.

I put down my hand bag and smiled sweetly to my lovely wife.

"Hi, wifey. I missed you the whole day." I greeted her.

I leaned closer to give her a kiss but then she quickly turned her face to the opposite direction, so instead of giving her a real kiss my lips landed on her cheeks.

Agad na nawala ang ngiti ko at napakunot noo dahil sa inasal nya. I looked at her and noticed that she's wearing her serious face.

Here we go again. Patience Glaiza, patience. It's the hormones, it's not her.

I sigh. "Ok, what did I do this time? Nabili ko naman yung gusto mong bulalo. Nandun sa baba, iniinit lang ng maid. May gusto ka pa bang pagkain na hindi ko nabili? Tell me, bibilhin ko kahit ngayon. Hwag mo lang akong simangutan."

Tumingin lang sya sa'kin pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo at nagsimulang humakbang patungo sa kama.

"Rhian ..." I grab her arm to stop her.

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Where stories live. Discover now